Chapter 69: Sulat

636 9 0
                                    

Chapter 69: Sulat


"Nurse!! Nurse!!" pagsigaw ko habang nagmamadaling pumunta sa may front desk..


Nagsisigaw ako para makuha ang atensyon ng mga doktor at nurse dun. Buti na lang may lumapit na agad sa akin na nurse.


"M – miss? Ano nangyari???"


"Na – nagising po 'yung pasyente sa may room.." pahingal kong sabi..


Dali-daling tumawag ng doktor ang nurse. Ilang segundo lang ang nakalipas ay may pumunta na agad sa kwarto. Nasa may tapat lang ako ng pinto, hinihingal pa rin dahil medyo may kalayuan ang front desk sa kwarto namin. Pinagmamasdan ko si Jepoy na halatang hinang-hina habang pinaligiran ng dalawang nurse at doktor.


Ngunit paulit-ulit lang ang sinasabi nito.


"Nasaan ang.. nanay ko??"


Hanggang sa.


"M – Monday?? Ano nangyari bakit nasa labas ka??" boses na nanggaling sa hindi kalayuan..


Nilingon ko ito at nakita ko si Ate Anne. Madali ko siyang nilapitan at.


"S – si jepoy po, nagising na."


Kumaripas ito ng takbo at dumiretso sa kwarto. Nakita kong naging masaya si Jepoy ng makita nito si Ate Anne.


Lumipas ang isang oras, nakaalis na ang mga nurse at maging ang doktor. Stable na raw ang kondisyon ni Jepoy, nawalan kasi raw ito ng malay dahil sa kakulangan ng sustansya nito sa katawan kaya kailangan niyang kumain para lumakas na ito ulit. Napansin kong masiglahin rin si Jepoy kaso nga lang, bakas sa katawan nito na hirap siyang maglakad pero hindi alintana dahil nakikita kong nakangiti pa rin siya sa kabila ng lahat.


"Ay, Jepoy.. Siya nga pala si, Ate Monday mo." pagpapakilala ni Ate Anne sa akin.,


"Hi jepoy!! Kamusta ang pakiramdam mo?" bati ko rito..


Ngumiti ito.


"Oh bakit? Bakit ka nakangiti?" pagtataka ko..


"Artista ka po ba?"


"Hala. Hindi ah!"


"Eh ang ganda mo po kasi eh."


"Nako, Ate Anne! Bolero 'tong anak niyo ah?" pagbibiro ko..


Tumawa kami. Natuwa ako sa sinabi ni Jepoy. Mapagbirong bata.


"Ahm. Okay na po, medyo nanghihina lang ng kaunti."

One Hundred Days (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon