Chapter 40.3 Tingin (part 3) - Rebelasyon

1.9K 12 4
                                    

 Chapter 40.3 Tingin (part 3) – Rebelasyon


Iniwas ko ang tingin ko nang mapansin kong tumingin siya sa akin. Alam kong may gusto itong iparating sa akin kaya 'yun ang kinanta niya. Hindi naman pwedeng nagkakataon lang ang lahat, alam niya at alam ko na Kundiman ang kantang nagpapaalala sa akin sa nakaraan. Hindi ko lang alam kung bakit paulit-ulit niyang kinakanta 'yun kahit na sila na ni Lotty.


"Sissy." sabay tabi sa akin ni Rica..


"Hm?" sagot ko ng mahina..


"Okay ka lang ba? Sabi sayo, may gusto pa rin.." sabi ni Rica..


Hindi pa tapos magsalita si Rica nang biglang.


"Is there a problem, baby?" singit ni Johan sa gilid ko..


Nagulat ako sa sinabi ni baby, hala. Baka narinig niya yung sinasabi ni Rica!


"W – wala. Kukuha lang ako ng inumin." sagot ko sabay tayo..


Napatingin ako kay Marion dahil nilaksan pa nito nag boses nito.


"Hindi ako lalayo dahil ang tanging panalangin ko.. ay ikaw." sambit nito..


"Ay ikaw.." tingin nito sa akin..


Sabay tapos nang kanta, natigilan ako. Nakita ko sa mga mata nito na nangungusap siya. Para bang may gustong sabihin sa akin, kaya nagmadali akong pumasok sa loob. Halos lahat ng bisita ay nasa labas kaya walang na masyadong tao sa loob ng bahay nila. Agad akong dumiretso sa may likuran nila, malapit sa may kusina. Nandoon kasi yung lalagyan ng mga tubig nina Johan.


Pagkarating ko dun, napansin kong wala na ang parents ni Johan, nasa labas na rin siguro. Kinuha ko yung kulay asul na lalagyan ng tubig, habang pinupuno ng tubig.


"Sissy!" tawag ni Rica..


Napalingon ako sa kanya, habang papalapit ito.


"Okay ka lang ba talaga?"


"Ha? Eh.. Oo, okay lang ako!"


Talaga? Hindi ka galit sa akin?" mahinang sagot nito..


"Bakit naman ako magagalit? Ayos nga lang. Okay nga lang ako."


"Kase.. sinama ko si Marion.."


"Wala 'yun sissy, kaibigan din naman siya ni Johan kaya walang problema."


One Hundred Days (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon