Chapter 55: Kabiyak ng Lovelock

1K 9 0
                                    

Chapter 55: Kabiyak ng Lovelock


"Oo, narinig ko sa faculty ni Dean kanina!"


"Anong narinig mo, Elanie?" tanong ni Rica..


"Na dumating yung tatay niya at kinausap si Dean natin patungkol sa nangyari kay Marion."


"Oh, tapos? Anong nangyari?"


"'Yun ang hindi ko alam. Hindi ko na narinig kasi lumabas na yung isang professor kaya dali-dali akong umalis at pumunta na dito sa room."


Natahimik ako sa narinig ko. Ano kayang nangyari bakit kinausap ng tatay ni Marion si Dean namin?


"Everyone, good morning!" pagbati ng professor namin..


Nagulat kami lahat kasi bigla siyang pumasok ng hindi namin nararamdaman.


"Ayan, baka sabihin ni Sir kung ano nangyari." bulong ni Elanie..


Yung professor namin ngayon ay siya rin ang professor namin noong Friday na nagbigay ng case study namin. Ang schedule namin sa kanya ay Friday ng hapon at Monday ng umaga.


"Nabalitaan ko kung anong nangyari kay Mr. Asecas."


"..kinausap din ako ng Dean niyo kaya medyo natagalan ako bago nakarating dito sa klase natin. Sabi nito na.."


Na?


"Aabsent muna ito ng ilang araw, linggo o isang buwan dahil sa sakit nito sa puso."


Nagulat ako sa narinig ko. Mahigit isang buwan siyang a-absent? Mukhang.. malala nga ang kalagayan nito.


"Grabe, ang tagal naman non sir! Hindi ba siya mada-dropout?" tanong ng isa naming kaklase..


"Well, kung walang valid reason, he will. Pero at stake ang kalusugan nito kaya pagbibigyan ko siya hanggang isang buwan then kapag hindi siya nakabalik, tsaka ko siya ida-drop."


"Mabalik tayo, sa grupo ni Mr. Asecas. Kayo 'yun, Ms. Ramirez, okay lang ba sa inyo na tatlo lamang kayo mag-present ng case study niyo?" tanong ni sir..


"Ah, eh. Tapatin ko kayo sir ah. Hindi po okay sa amin." mabilis na sagot ni Rica..


"Ah, mabuti at tapat ka sumagot, Ms. Guzman."


One Hundred Days (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon