Chapter 53: Dahilan

1.1K 9 4
                                    

Chapter 53: Dahilan


"Noong una nga, gulat na gulat ito dahil may nagbabantay sa anak niya.."


"I – ikwento mo lahat, sissy.."


"Sige.."


"Kasi ganito, mga nangyari."


"Diba umuwi ako? Kaso mga bandang 9:00pm, iniisip ko pa rin ang kalagayan mo. Sabi ko nga, wala namang akong gagawin dito sa amin, bakit hindi na lang ako bumalik at magbantay sa'yo at kay Marion."


"..tapos mga ilang minuto bago mag-10:00pm, nakarating ako ulit dito sa ospital. Nagpaalam ako kay Mama, pumayag naman siya. Hinatid ako ni kuya driver namin papunta rito, nagdala rin ako ng prutas para sa inyong dalawa."


"..pagkarating namin ni kuya ng 3rd floor, kwarto mo ang una naming pinuntahan."


"Teka, magka-floor lang ba ang kwarto namin ni Marion?" tanong ko..


"Oo, 305 ka tapos siya 301. Tapos 'yun nga, nakita kong may nagbabantay sa'yo, nakausap ko siya, Thea pala pangalan niya. Ate Thea tawag ko sa kanya. Nilapag namin yung fruits basket sa table mo. After ilang minutes, pumunta naman kami ni kuya driver sa kwarto ni Marion."


"..nakita namin doon si Tita Nessa, nahiga sa couch. Nakakatulog na. Pagkalapag namin ng fruits basket, I've decided na ipahatid siya kay kuya para makapagpahinga na siya."


"..at first, ayaw pa ni Tita Nessa pero pinilit ko siya, just for her health. She needs rest din. Sabi ko ako na papalit sa kanya magbantay. Then pumayag na siya. Ayun, nagpaalam lang siya kay Ate Thea tapos pinahatid ko na siya kay Kuya Jess pauwi."


"After 30 minutes, medyo na-bored na ako sa kwarto ni Marion. Nagpatugtog ako ng pianos songs para ma-relax ako then suddenly, nakatulog ako."


"Mga bandang 1:00am, nagising ako kasi may narinig akong ingay. Nagulat ako kasi.. there's someone sitting on the couch."


"Napatayo ako bigla, napaatras. Tinanong ko siya kung sino siya then he said."


"I'm his father."


"I had a doubt pero nagpakita siya ng card sa akin para patunayan na siya nga ang tatay ni Marion. And here's our conversation.."


"S – sorry po kung nagduda ako sa inyo, sir." sabi ko..


"It's okay. I'm glad you did that for the sake of my son. By the way, what's your relation to him?" masungit na tanong nito..

One Hundred Days (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon