Chapter 68: Malay

691 4 0
                                    

Chapter 68: Malay


Hindi ko alam ang gagawin ko. Gusto ko silang lapitan at tanungin ang lahat kaso hindi pwede dahil kasama ko sina nanay. Ayokong malaman nilang bumalik yung taong sobrang nagpaiyak at nanakit sa akin noon. Magiging kumplikado lang ang lahat at alam ko, hindi ito yung tamang panahon para sa malaman ang mga kasagutan na nasa isipan ko ngayon.


Lumipas ang ilang oras ng pagbabantay, nagkukwentuhan sina nanay, tita Nessa at tita Lisa para malabanan ang pagkainip. Habang ako, pabalik-balik ang tingin kay tatay at sa kawalan na nasa labas ng bintana. Naiinip din ako pero mas nananaig 'yung kagustuhan kong malaman kung totoo ba yung narinig ko mula sa kanila.


Lumipas pa ang ilang oras, malapit ng sumapit ang gabi.


"Oh teka, saan tayo kakain ng hapunan?" singit ni nanay..


"Saan niyo ba gusto? Bumili na lang tayo ng pagkain?" tanong ni tita Lisa..


"Ay 'wag. Magastos kapag bumili pa tayo. Magluto na lang tayo at magdala ng pagkain rito."


"Oo, pwede 'yung sinabi ni Nessa. Mas makakatipid tayo kung magluluto na lang tayo pero kailangang may maiiwan dito."


Doon ko naisip na iprisenta ang sarili ko at.


"A – ako po. Ako na lang po maiiwan rito." singit ko..


"Sure ka, Munde? Hindi ka pa ba nagugutom?" tanong ni tita Nessa..


Umiling ako.


"Hindi pa po. Marami akong nakain kanina kaya po busog pa ako." pangiti kong sagot..


"Sigurado ka, nak?"


Tumingin ako kay nanay.


"Opo nay." sabay ngiti ko..


"O – osige, magluluto lang kami ni Tita Nessa mo sa bahay at hahatiran ka namin ng pagkain rito. Hintayin mo kami nak ha?" sabay tayo nito..


"Okay po. Ingat kayo sa pag-uwi nay ha?"


"Ikaw din nak. Tumawag agad ng doktor kapag nagkamalay ang tatay ha."


"Opo!"


"Ako rin, uuwi muna ako tapos babalik din ako agad rito." singit ni tita Lisa..


"Ingat po kayo!"


One Hundred Days (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon