Chapter 63: Bracelet

788 8 0
                                    

Chapter 63: Bracelet


Napuno ng lungkot at katahimikan ang kwarto ni tatay. Patuloy pa rin ang pagpatak ng luha ko habang hawak ang kamay nito. Ngayon na lang ako ulit nakaramdam ng ganitong klase ng lungkot. May kakaibang pakiramdam sa loob ko na nagpapakirot ng puso ko, heto yung siguro yung kirot kapag nakikita mong nahihirapan yung mga taong mahal mo.


Ang sakit.


Lumipas ang mahigit tatlumpung minuto, nasa tabi pa rin ako ni tatay. Pinagmamasdan siya habang hawak pa rin ang kamay nito.


"Nak, magpahangin muna tayo sa labas para mahimas-masan ka." mahinang sabi ni nanay..


"O – okay lang po ako 'nay." sabay lingon ko rito..


"Dito lang po ako sa tabi ni tatay." dugtong ko..


"Sige nak, lalabas muna kami ng tita mo para magpahangin at maghanda ng makakain."


"Sige po."


Lumabas na sila, mas pinili kong magpaiwan para bantayan si tatay. Nakaupo pa rin ako sa tabi nito. At biglang bumalik sa alaala ko lahat ng nangyari noong bata pa ako. Isa isang bumalik ang mga sandaling malakas pa siya, nakakasama sa bawat kwentuhan at kulitan, maging ang pagluluto nitong walang katulad. Napaiyak ako habang inaalala yung mga matatamis na nakaraan.


"Tay, bumangon ka na dyan. Namimiss na kita eh." mahina kong sabi..


Habang naiisip ko ulit ang mga nangyari dati, hindi ko maiwasang lumuha at kwestyunin ang mga pangako nito sa akin bago ako umalis dito sa Tarlac.


"Tay, akala ko ba magpapagaling ka? Eh bakit nanghihina ka ngayon? Akala ko ba sa tuwing babalik ako dito sa atin, sasalubungin mo ako? Eh bakit nakahiga ka ngayon dyan? 'Tay naman eh, alam mo namang ayokong nakikita kang nahihirapan eh! 'Tay, kausapin mo naman ako oh!" sabay iyak ko sa may braso nito..


Habang umiiyak ako sa tabi nito, bigla kong naramdaman na may dahan-dahang dumampi sa ulunan ko.


"T – tay???" pagkagulat ko..


Nakita kong nagising ito at nakangiti sa akin.


"O – okay ka lang ba 'tay?? A – ano nararamdaman mo po??"


"O – okay lang ako nak, mabuti at umuwi ka.. dito sa atin." pautal utal na sabi nito..


Mahina at pautal-utal na magsalita si tatay dahil sa hirap nito sa pananalita at dahil narin siguro sa aparato na nakalagay sa kanya na nagbibigay ng oxygen.

One Hundred Days (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon