Chapter 3.9: Ang Nakaraan ni Monday (part 7) - Kapalit

3K 19 12
                                    

Chapter 3.9: Ang Nakaraan ni Monday (part 7) – Kapalit


"P – pero sir. Nagbibiro lang kayo diba po?" medyo nanginginig ang boses ni Monday..


"Mukha ba akong nagbibiro?" sagot ni Sir Chan, sabay harap kay Monday..


Tumayo si Monday.


"Pero sir.."


"Sinabi na rin ng tatay niya, Monday."


"Umuwi na tayo." patuloy ni Sir Chan..


Habang papalabas ng ospital ay halatang malungkot ang dalawa sa nangyari pero 'di nakatiis si Monday, kaya.


"Sir. Ano po bang napag-usapan niyo sa loob?"


"Gusto mo malaman?"


"O - opo.."


"Sige, 'eto ang sabi ng tatay niya.."


"Ang anak kong 'to? Napakakulit. Matigas ang ulo. Masiyahin at maloko. Kahit pinagbabawalan kong sumali sa mga ganyan, sige pa rin. Tapos ngayon? Maabutan ko siyang nakahiga ulit dyan? Mr. Chan, ako na ang nagsasabi sa'yo, alisin niyo na siya dyan. Sa field demo niyo, baka ikamatay niya pa ang sobrang pagod. May sakit siya sa puso. Hindi niya kakayanin ang sobrang stress, mapapahamak lang siya.."


Napatigil si Monday sa narinig.


"Tapos.. Bata pa lamang ay pinagbabawalan ko na siyang maglaro dahil baka atakihin siya pero pilit siyang pumupunta sa park, palagi niyang sinasabing hinihintay siya ng kalaro niya. Hanggang sa ngayon, iniisip niya pa rin ang batang babaeng 'yon. Hindi sa pinagbabawalan ko siyang makipagkita pero ito ang alam kong tama." patuloy ng kwento ni Sir Chan..


Hindi nakapagsalita si Monday sa narinig. Hindi nito alam ang sasabihin niya. Hindi niya alam kung maiiyak ba o malulungkot. Ang tangi niya lamang na alam ay pagkagulat. Gulat. Dahil hindi niya alam na may butas ang puso ni Marion. Tumakbo ito papalayo kay Sir Chan, habang papalayo ay nagpa-flashback ang mga nangyari sa kanila ng kababata. Hanggang sa makauwi siya ay bakas pa rin ang sobrang kalungkutan.


5:00AM.


*knock knock*


"Monday!!"


*knock knock*


"Nak, gising na!!"


At dahil hindi binuksan ni Monday ang pinto ay pumasok na lang ang nanay niya.


"Nak, okay ka lang ba?" sabi nito habang upo sa tabi ng kama..

One Hundred Days (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon