Chapter 60: Tawag

945 9 0
                                    

Chapter 60: Tawag


Minuto pa lamang ang lumipas ng umalis si Marion dito sa Botanical Garden. Hindi ko man lang siya nakita at nasabi ang mga gusto kong sabihin sa huling pagkakataon. Sariwa pa sa isipan ko ang lahat ng nangyari at hindi pa naniniwala ang sarili ko sa mga salitang narinig ko mula sa kanya. Tuluyan na nga siyang mawawala sa buhay ko.


Ngayong araw na 'to, heto ang araw na wala ng Marion sa buhay ko. Nakakalungkot..


Tulala pa rin ako at balisa habang hawak ang dalawang santan na iniwan sa akin. Ang mga bulaklak na naging saksi sa mga pangyayari kanina.


Nang bigla kong narinig na may pumasok dito sa Botanical Garden, nabuhayan ako ng loob.


"Sissy? Nandyan ka ba?" sigaw ni Rica..


"Ah.. O – o! Nandito ako." sabay kaway ko..


Nakita nila ako at agad lumapit sa akin. Umupo si Rica sa tabi ko habang nakatayo naman sa harapan ko si Lotty.


"Ano nangyari, sissy? Mukhang.. umiyak ka ah?" pagtatanong ni Lotty..


Hindi ako umimik at tumungo na lamang ako. Tinitingnan ko ang dalawang santan na hawak ko. Tumingin din si Rica sa hawak ko at.


"Huwag mong sabihing.."


"Oo, sissy. Siya ang nagpapakita sa akin ng santan dati." sagot ko..


"A – ano bang nangyari?? Naguguluhan ako, kwento mo sissy!" sabi ni Lotty..


"Kase, nung pumasok ako dito sa Garden.."


Kinuwento ko sa kanila ang bawat detalye ng nangyari. Ang bawat napag-usapan namin at mga dahilan ng pagkamugto ng mga mata ko. Habang patagal ng patagal ay humihigpit ang pagkawak nila sa kamay ko na sumisimbolo ng pagpapalakas ng loob ko. Kahit na sobrang lungkot ng nangyari ay tinuloy ko pa rin upang ipaalam sa kanila. Nang matapos ako sa pagkukwento, natahimik sina Rica at Lotty. Napansin kong napuno ng lungkot ang mga mukha nila ng dahil sa kinuwento ko.


"Okay lang ba kayo?" pagtatanong ko sa kanila..


"Ikaw ang dapat naming tanungin niyan, sissy. Ayos ka lang ba?" mahinang tanong ni Rica..


"Oo.. magiging ayos din ako." mahina kong sagot..


"Nakakalungkot naman. Hindi na pala natin makikita si Marion.. kahit kailan." sabi ni Lotty..


Napabuntong hininga na lamang ako at tumingin sa malayo.


One Hundred Days (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon