Chapter 76: Plano

541 6 0
                                    

Chapter 76: Plano


"Papatayin? Ako? Hindi mo ako kayang galawin, Marion. Ni hindi ka nga makaalis dyan eh." sabay tawa nito..


Nagngi-ngitngit sa galit si Marion samantalang ako, tulala pa rin. Pilit itong kumakawala sa mga nakatali sa kanya. Hindi pa rin makapaniwalang nasa harapan ko si Kian. Hindi ko maintindihan ang nangyayari.


"'Wag mong sayangin ang lakas mo Marion, tama na." mahinang sabi ko..


"P – pero!!!"


"Tama siya, wala tayong magagawa sa ngayon. Tama na."


Sabay tingin ko kay Kian. Pinagmasdan ko ito at.


"Oh? Bakit parang hindi ka makapaniwala, Monday?" tanong nito..


Tumungo lang ako at.


"S – sabihin mo sa akin ang totoo.."


"...sino ba talaga kayo???" pasigaw kong sabi..


"Simple lang, sissy. Kapatid ko si Kian." singit ni Elanie..


"K – kapatid?? P – pero... Hindi ko maintindihan ang nangyayari.." sagot ko..


"Sabihin na lang natin na.. pagpapanggap lang ang lahat." tugon ni Kian..


Natigilan ako sa narinig ko. Pagpapanggap. Isang malaking kasinungalingan lang pala ang lahat.


"Lahat ng nangyari magmula noon ay nakasaad sa plano."


"P – plano??"


"Oo, isang malaking plano. Na maging malapit sa'yo para agawin ka kay Marion dahil sa pagbalewala nito sa pagmamahal ni Elanie sa kanya noon."


"N – noon?? Ibig sabihin ay.."


"Oo, school mate mo rin ako noong high school, Monday. Matagal na akong may gusto kay Marion pero hindi niya ako napapansin at palaging binabalewala ng dahil sa'yo. Nang dahil sa nakilala ka niya, nawala lahat ng pangarap ko. Kailanman hindi kita mapapatawad. Yung nakita mo sa wallet ko noon? Oo, si Marion 'yun. Siya yung kababatang tinutukoy ko sa'yo." sagot ni Elanie..


Napatungo ako habang naririnig ang sinasabi ni Elanie. Hindi pa rin ako makapaniwala.


"At kaya pinlano namin ni kuya na maghiganti sa'yo, para mabalik sa akin si Marion." patuloy nito..


One Hundred Days (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon