Chapter 1.4: Crazy Little Thing called Effort

5.8K 48 14
                                    

Chapter 1.4: Crazy Little Thing called Effort


"What is kailangan?"


"Kailangan is need." mabilis na sagot ni Monday..


"Ahh. Okay. What is kita?" tanong niya ulit..


"Kita is you."


"Ahh."


May naisip si Johan sa narinig niya, kaya nagsalita ulit ito.


"Kailangan Kita in order for me to learn Tagalog."


Sabay ngiti ni Johan, alam niyang totoo yung sinabi niya kaya ganun na lamang ang pagngiti niya kay Monday. Nagtapos ang klase nila ng ganun, umuwi ulit siya. Nagluto ng tanghalian, kumain. Naisip niya na bigyan muli si Monday ng pagkain kapalit ng diksyunaryong ibinigay sa kanya. Bumalik ito sa campus nila at hinintay ang paglabas ni Monday, hanggang sa.


"There!" bulong ni Johan sa sarili..


Lumabas siya ng kotse na dala ang pagkain.


"Hey" sabi niya..


"Yes why?" sagot ni Monday..


"Thanks for the dictionary."


"Here's your food in return." patuloy niya habang inaabot ang plastik..


"Whats this for?" sagot ni Monday habang iniiwas ang tingin kay Johan..


"Every time I learn a tagalog word, I'll give you that." sagot ni Johan..


"No. I don't need it."


"No. Take it as a token of appreciation. Okay?"


Umalis si Johan ng nakangiti pero medyo nalungkot siya sa narinig. Bumalik ito sa kanyang kotse at hinintay makalayo si Monday. Pagkaalis nito ay pumasok na ulit siya sa klase niya. Kinagabihan ay sinimulan ni Johan ang pagbabasa ng dictionary na binigay ni Monday sa kanya. At doon natapos ang magdamag niya.


Kinaumagahan, maaga itong pumasok at dumiretso sa room nila. Umupo ito at nagsimulang magbasa habang nakikinig sa player niya. Ilang minuto lang ay dumating na si Monday. Umupo ito sa tabi niya.


"You're reading the dictionary I gave huh?" sabi ni Monday..


"Syempre!"


"Oh! It's a tagalog word! You must be proud of yourself!" pabirong sagot ni Monday..

One Hundred Days (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon