Chapter 44: Rosas (Valentines Special)

1.7K 14 4
                                    

Chapter 44: Rosas (Valentines Special)


"Pero?" pagdugtong ni Rica..


Nakatingin sila sa akin na para bang naghihintay ng susunod kong sasabihin. Hindi kasi ako pwedeng um-oo dahil baka may surpresa sa akin si Johan, alam kong hindi nawawalan ng surpresa ang baby ko pero hindi naman ako pwedeng humindi kina Rica at Lotty, baka sabihin nila ang KJ ko naman at.


"Kasi.." sabay tungo ko..


"Mga sissy!! Tingnan niyo yung kasunod!" sigaw ni Lotty..


Tumingin kami sa bulletin board, habang pabasang tinuturo ni Lotty ang nakita nito.


"With special participation of Mr.. Campus Top Three Winners.."


"So ibig sabihin.." bulong ko..


"Kasama sina Johan!" masayang sabi ni Lotty..


"At makakanuod tayo!! Yehey!!" duktong ni Rica..


"Hayy."


"Oo nga, manunuod tayo." sabay ngiti ko..


Kaso may gumugulo pa rin sa isipan ko, bakit kaya hindi pinaalam sa akin ni Johan 'yun? Bakit hindi niya sinabi na may concert ang Silent Sanctuary na kasama sila? Ano kayang meron? Hindi kaya dahil..


Nagtitingin parin sina Lotty at Rica ng mga announcement sa bulletin board nang bigla kong naalala na.


"Mga sissy! Bilisan na natin, baka ma-late pa tayo!"


"Ay oo nga!" tingin ni Rica sa relo nito..


"Tara na dali!" pag-aaya ni Lotty..


Dumiretso na kami sa klase pagkatapos nun, baka kasi malate pa kami. Mayayari kami kapag ganun kasi mahigpit sa attendance yung professor namin tsaka baka ma-drop kami dun, iniiwasan ko 'yun kasi makakaapekto yun sa scholarship ko. Mahirap na.


Kinahapunan, tapos na ang klase namin nun, tinext ko si Johan kung nasaan siya.


"Baby, may klase ka pa ba? Kung wala na, hatid mo ako. :* "


Lumipas ang ilang minuto, wala akong naresib na reply na mula sa kanya. Kaya napagdesisyunan kong maglakad-lakad muna mag-isa, nagmamadali kasi si Lotty nun dahil may emergency sa bahay nila at si Rica, may pupuntahan. Naglakad ako ng naglakad hanggang sa dalhin ako ng mga paa ko sa Botanical Garden, kung saan nagsimula ang lahat sa aming dalawa.


Binuksan ko ang gate nito, naglakad papasok sa loob. Habang naglalakad papunta sa punong may duyan, naalala ko ang lahat. Ang bawat sandali na ginugol namin doon. Naalala ko ang bawat kilig moments namin ni Johan doon, ang mga unang pagkakataon na nagkasama kami ng masungit na Johan at hanggang sa maging sweet siya, pinaramdam ang pagmamahal niya at ngayon, hanggang sa maging kami na. Naaalala ko lahat kasi parte ng lovestory namin ang lugar na 'to.

One Hundred Days (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon