Chapter 16: Pagbalik sa Kabataan

2.6K 20 2
                                    

Chapter 16: Pagbalik sa Kabataan


Kinabukasan, pababa na ako ng may naamoy akong kakaiba.


"A - ano kaya 'yun??" bulong ko sa sarili..


Dali-dali akong bumaba, nakita ko si Johan na nagluluto ng agahan. Dahan-dahan akong lumapit dito, nang hindi niya namamalayan.


"Good morning baby.." malambing kong sabi, sabay yakap habang nakatalikod ito sa akin..


Halata ang pagkagulat nito, pero mas parang ako pa ang nagulat sa nangyari. Bumitaw siya sa pagkakayakap ko, humarap ito sa akin, niyakap ako ng mahigpit.


"Good morning din baby.." sagot nito, sabay kiss sa noo ko..


As usual, ako ang mas kinilig. Kasi, pagkagising ko pa lang, siya na agad nakita ko. Ang saya, sweet!


"Anong niluluto mo, baby?" tanong ko..


"Eggs, hotdogs tska sinangag ba 'yun?"


"Oh! Patikim ako." sagot ko sabay bitaw..


Tinikman ko yung gawa niyang sinangag. Hindi ko pinagsisihan yung lasa, walang duda, masarap talaga siyang magluto. Mas masarap siyang magluto kumpara sa akin.


Habang tinatapos niya 'yun ay pumunta muna sa cr sa baba, nag-toothbrush at naghilamos. Pagkabalik ko sa kusina, handa na ang almusal.


"Baby, you call mom na." sabi nito,,


"Ay. Kakain na tayo?"


"You, Gusto mo na ba?"


"Hindi pa ako gutom eh. Ikaw ba?"


"Not actually."


"Ay teka. Punta tayo kina tatay mamaya ha?"


"Okay. Are you feeling better na ba?"


"Yes! Sorry nga pala kahapon ha."


"Saan baby?"


"Sa inasal ko. Sumama talaga kasi pakiramdam ko eh."


"It's okay baby, I understand."


Sabay yakap niya sa akin.

One Hundred Days (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon