Special Chapter: Simbang Gabi (Christmas Special)

2K 12 0
                                    

Special Chapter: Simbang Gabi (Christmas Special)


*ring ring*


"Ano ba 'yun." bulong ko sa sarili ko..


*ring ring*


Napansin kong galing sa cellphone ko yung tunog, knuha ko ito sa may desk malapit sa akin kahit inaantok pa ako ng sobra. Sinagot ko ito.


"H - hello??" mahina kong sabi..


"Sissy!"


"Oh? Sissy, ikaw pala.." papikit-pikit kong sabi..


"Hala, kakagising mo lang??"


"O..o.. Bakit ka ba napatawag.. ang aga aga pa.."


"Lumabas ka!"


"Ano..?"


"Tumingin ka sa may bintana niyo!" pasigaw na sabi ni Sissy Rica..


Gumapang ako side ng kama ko, sa may bintana, hinawi ko yung kurtina at.. Nakita kong nasa tapat namin si Rica, nakaway.


Nanlaki mata ko.


"Hala sissy?? Anong meron??" pagtataka ko..


"Magsisimbang gabi tayo! Bangon na! Hintayin kita dito!"


"Hala teka teka!!"


"Bilisan mo!"


Agad kong binaba yung tawag. Naghilamos lang ako, nagmamadali na kasi kami. Nag-toothbrush tapos nagbihis na. Nakalimutan ko palang ako nagyaya na magsimbang gabi kami. Nakalimutan ko kainis.


Pagkababa ko, hindi na ako nakapagpaalam dahil alam kong tulog pa si Tita. Pagkalabas ko ng bahay, pinagmamadali ako ni Sissy na sumakay na sa kotse. Pagkasakay namin.


"Sissy! Hindi pa ako nag-aalmusal!" sabi ko..


"Okay lang 'yan, may dala akong pagkain habang nabyahe tayo!"


"Wow. Handa ang sissy ko ah!"


"Syempre! First time kong magsisimbang gabi 'noh!"


"Talaga?" pagkagulat ko..


"Yes! Kaya kailangan nating kumpletuhin 'to!"

One Hundred Days (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon