Chapter 3.7: Ang Nakaraan ni Monday (part 5) - Pagtataka

3.2K 25 5
                                    

Chapter 3.7: Ang Nakaraan ni Monday (part 5) – Pagtataka


Ilan pang minuto ay lumabas na ang doktor at ang nurse.


"Kamusta siya, doc?" hikbi ni Monday..


"Okay na siya. Tinurukan namin siya ng pampatulog. 'Yan ang makakabuti sa kanya ngayon."


Nakahinga ng maluwag sina Sir Chan at Monday, dahan-dahan silang pumasok sa kwarto. Nakita nilang okay na rin si Marion, nakatulog ito. Naglalaro sa isipan ni Monday kung ano ba talaga ang sakit ni Marion, nang akmang tatanungin nito si Sir Chan ay napansin niyang umiiling ito.


"Kung itatanong mo sa akin kung ano ang sakit niya, hindi ko rin masasagot 'yan."


"Hay." tanging nasabi kasabay ang pagbuntong hininga..


Lumipas pa ang ilang minutong paghihintay ay tumayo sa kinauupuan niya si Sir Chan.


"Ms. Ramirez, kailangan kong umuwi. Dito ka lang?" sabi ni Sir Chan habang nag-aayos ng gamit nito..


"Nakapagpaalam ka ba inyo? Baka hanapin ka." dugtong niya..


"Hindi naman siguro, sir. Ako na po muna ang magbabantay sa kanya."


"O'sige, mag-iingat ka sa pag-uwi mamaya ha?"


"Opo, kayo rin sir."


Pagkalabas ni Sir Chan ng pintuan ay umupo sa paanan ni Marion si Monday, pinagmamasdan niya lang ito hanggang sa makatulog siya.


5:30am. Nagri-ring at umiilaw ang cellphone ni Marion. Nagising si Monday sa naririnig niya, hinanap niya kung saan nangggaling ang tunog. Nakita niyang may umiilaw sa bulsang bahagi ng bag ni Marion. Tumayo siya at kinuha ito. Nakita niyang alarm clock lang ang nagri-ring.


"Hay. Akala ko kung ano na." sabi ni Monday sa sarili halatang bagong gising ito..


Pagka-stop niya ng alarm clock ay hindi niya sinasadyang napindot ang music player, nakita niyang may naka-stop na kanta ngunit walang nakasulat na title.


"Ano 'to?"


Ni-rewind niya ito, kinuha ang earphones at pinakinggan.


"..Kaya't huwag magtataka kung bakit ayaw kitang mawala.."


"Parang ito yung kinakanta bago siya atakihin ah?" bulong niya sa sarili..


Habang nakikinig si Monday ay may pumasok na nurse.

One Hundred Days (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon