Chapter 47: Kwintas

1.5K 9 0
                                    

Chapter 47: Kwintas


Hindi ako nakaimik nang narinig ko ang pangalan nito. Kian Alonzo? Pero paanong..


Naiwan sa ere ang kamay nito habang ako, nakatungo habang nakain. Kunwari ay hindi ko nalamang siya pinansin.


"Monday, may problema ba?" tanong ni tita..


"W – wala po.." mahina kong sagot..


"Siya nga pala ma, pupunta kami sa mall mamayang hapon. Sama ka?" alok ni Benj..


"Ay nako, hindi na. Dito na lang ako sa atin."


"Ikaw, Monday? Sama ka sa amin?" alok ni Thea sa akin..


"Ka.. kayo na lang po." patango kong sabi..


Napansin kong nakatingin si Kian sa akin, minumukaan niya siguro ako. Hindi pa rin ako makapaniwala magpahanggang sa ngayon na yung isa sa mga taong pinakamalapit din sa buhay ko noong kabataan ko ay narito.. Kung saan ako nakatira. Kakilala ng mga anak ni Tita. Napakaliit nga naman ng mundo, pinagtagpo ulit kami nito.


"Tita, Ate Thea at Kuya Benj. Mauuna na po ako." sabay tayo ko..


"Pero.. konti pa lang nakakain mo?"


"Sa school nal ang po ako, kakain. Alis na po ako!"


Hindi ko na sila hinintay pang makapagsalita, dali-dali kong kinuha ang bag ko at lumabas na nang bahay. Hindi ko alam pero ayaw na siyang makita pa ng mga mata ko. Naalala ko lang ang dati, yung mga panahong.. basta, masakit.


Bumyahe ako at pumasok ako ng mas maaga kaysa sa klase namin, umupo ako at nag-isip. Bakit kaya dumating siya ulit sa buhay ko? Anong rason kung bakit pinagtagpo-tagpo kami ngayon? Kung kailan masayang-masaya ako. Bakit kaya? Hayyy.


Lumipas ang ilang oras ng klase namin, vacant na, lunch break namin. Dumiretso kami nina Lotty at Rica sa malapit na kainan sa labas ng campus. Habang na-order ng pagkain namin si Lotty, nakatingin lang ako sa malayo. Nakatulala.


"Sissy." sabay kilit nito sa bewang ko..


Syempre ako naman, nagising kasi malakas ang kiliti ko.


"Ayyy!! Oh, bakit?"


"Napapansin ko.. parang tulala ka yata? Ano meron?"


"Kase.."


"Kase.. ano? Kwento dali!"

One Hundred Days (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon