Special Chapter: Pagkanginig (Halloween Special)

1.9K 10 0
                                    

Special Chapter: Pagkanginig (Halloween Special)


Pagkahatid sa akin ni Rica, agad akong humiga para makapagpahinga na. Kahit pagod ako, hindi pa rin ako makatulog. Iniisip ko parin kung anong pwedeng mangyari bukas dahil pareho silang nag-aya sa akin na pumunta sa victory party nila. Kinabukasan, habang naghuhugas ako ng pinagkainan namin ni Tita, biglang nag-ring ang cellphone ko. Dali-dali akong binanlawan ang kamay ko at tinuyo gamit ang tuwalyang malapit sa akin. Agad kong kinuha ang cellphone kong natunog na nasa mesang nasa likuran ko lang. Napansin kong si Johan ang natawag, kaya sinagot ko agad.


"B - baby?" sabi nito..


"Hello, baby!"


"How are you, baby ko?"


"Okay lang naman, naghuhugas ng plato. Teka, ikaw ba baby? Kamusta ang bagong Mr. Campus?"


"Hahahah. I feel great! We're now preparing the food for later. What time ako susundo sa'yo?"


"Anong oras na ba, baby?" tanong ko..


"It's almost 3:30pm."


"Ha??" pagkagulat ko..


"Mga 4:30pm baby, maliligo pa kasi ako."


"Okay! I love you baby, see you!" paglalambing nito..


Napangiti ako sa narinig ko.


"I love you too!"


*toot toot*


Binalik ko ang cellphone sa dati nitong pinaglalagyan at minadali ko ang paghuhugas ng plato. Agad akong naligo at nagbihis. Habang nagpapaganda ako, narinig kong nandoon na si Johan kaya inayusan ko ang sarili ko. Aba syempre, ayokong mapahiya ang boyfriend kong Mr. Campus na ngayon. Naglagay ako ng lip balm. Hindi ako nag-memake up kasi ayoko talaga. Gusto ko simple lang ako pero kung tingnan ay elegante. Bumaba na rin ako pagkaayos ko ng buhok. Nadatnan ko si Johan na kinakausap si tita, tumabi ako sa kanya ng hindi niya namamalayan.


"Tita!" sabi ko..


Napatingin sila pareho sa akin, pero parang masama pakiramdam ni Johan.


"Oh? Aalis pala kayo. Hindi ka nagsasabi." sagot ni Tita..


"Sorry po. Nakatulog na kasi ako kagabi tsaka nawala po sa isip ko kanina."


"Oo na. Wala na naman akong magagawa, nakabihis ka na eh. Sa susunod, magpapapalam ha."


"Opo! Sorry po ulit." mahina kong sabi..


One Hundred Days (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon