Chapter 1.6: The Ingredients of Love

5.1K 47 19
                                    

Chapter 1.6: The Ingredients of Love


Natapos ang maghapon nila sa loob ng botanical garden. Pagkauwi niya ay dumiretso ito sa kanyang kwarto, hinanap ang lyrics ng Pagkakataon sa internet. Agad nya itong pinrint at sinubukang kantahin, sinabayan niya ang tugtog nito.


"Nabuhay muli ang damdamin.."


Makalipas ang ilang minuto ay sumuko si Johan. Naisip niya na it will take time para makanta niya iyon. Binalak pa naman niyang kantahin ito kay Monday bukas pero hindi niya pa kaya. Kaya naghanap ito ng maari niyang ibigay kay Monday. Habang nagre-research ay may nakita ito.


"How to Bake the Love Cake."


Naintriga ito kaya kinuha nito ang procedures at ang ingredients. Sinulat niya ito at agad nagpunta sa palengke. Kalagitnaan na ng gabi noon kaya pasara na ang mga tindahan doon. Pumunta ito sa isang tindahang pinakamalapit sa parking lot.


"Sir! Sir!" pasigaw na sabi ni Johan..


"Oh, Iho? Pasara na kami. Bumalik ka na lang bukas ng umaga."


"No! I... I... I just need these ingredients." sabay pakita ng papel..


"Nako Iho, pasensya na. Bumalik ka na lang bukas ng umaga." sabi ng tindero habang ibinababa ang harang ng tindahan niya..


"Please! I just need these ingredients." nagmamakaawang sabi ni Johan..


Natigilan ang tindero at humarap ito sa kanya.


"Teka. Patingin nga niyang hawak mong papel."


"Here, Sir." sagot ni Johan habang inaabot ang papel..


Pumasok ang tindero sa loob. Makalipas ang ilang sandali ay lumabas ito na may buhat na kahon.


"Here." sabi ni Johan habang inaabot ang pera..


"Wait. Para saan ba ito, iho?"


"It's for my special someone. I'll bake something for her." sagot ni Johan..


"Ohh. You love her so much?"


"I do."


"Nakakatuwa ka, iho." sagot ng tindero habang kinuha ang pera..


"Bakit?" sagot ni Johan habang kinuha ang box..


One Hundred Days (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon