Chapter 21: Panaginip at Pageselos

2.4K 11 4
                                    

Chapter 21: Panaginip at Pagseselos


Naghiwalay na kami ni Johan sa may sakayan. Dahil magkaiba kami ng daan tsaka alam kong pagod din siya sa pagbibyahe.


Pagkarating ko sa amin, nakita agad ako ni Tita Nessa.


"Oh Monday! Napaaga yata ang pag-uwi mo?"


"Oo nga po eh. Kailangan pong asikasuhin ang scholarship ko." sabi ko habang papasok ng gate..


"Ganun ba? Oh teka, tulungan na kita dyan."


Tinulungan ako ni Tita sa bitbit ko, habang inaayos ang dala ko.


"Ano ba 'tong mga dala mo?"


"Mga pasalubong po sa inyo."


"'Yan ang gusto ko sa'yo, Monday eh."


"Tita talaga, oo." pabiro ko..


"Ay, tita! Paggising po ako ng mga bandang 12 ha? Matutulog po muna ako, pagod po kasi sa byahe eh."


"Ay, osige. Para sabay na tayong kumain ng tanghalian."


"Sige po. Akyat na ako sa kwarto ko."


"Ako na bahala mag-ayos ng mga gamit mo ha."


"Salamat po!"


Umakyat ako sa kwarto at nahiga agad sa kama ko, unti-unting pumikit ang mga mata ko. Hanggang sa pagdila ko nito.


"Mga puno??"


Nagulat ako sa nakita ko, natanaw ko ang dalawang puno na pamilyar sa akin. Ang puno ng narra sa kaliwa at puno sa Botanical Garden sa kanan.


"T -teka. Nananaginip lang ako.."


"Tama, nananaginip ka lang."


"Sino 'yan??" lumingon ako para hanapin ang nagsalita..


Pagkalingon ko, laking gulat ko sa nakita ko.


"Sir... Sir Chan??"


"Ako nga" pangiti nitong sabi..


"P - pero.. Paano??"


One Hundred Days (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon