Chapter 3.4: Ang Nakaraan ni Monday (part 2) - Pagkikita

3.4K 23 8
                                    

Chapter 3.4: Ang Nakaraan ni Monday (part 2) - Pagkikita


"Oh paano? Laro na tayo ulit?" paanyaya ni Marion..


"Osige na nga. Taya ka ha?" sagot ni Monday..


"Game!"


At masayang naglaro ang dalawa. Alam ni Monday na wala nang bukas kaya tinodo na niya ang pag-eenjoy. Medyo nagtatago na ang haring araw, kaya nagpaparamdam na ang mga bantay ni Marion.


Lumapit ang isang body guard nito sa kanila.


"Sir. Kailangan na po nating umuwi."


"Nako. Pagabi na pala." sagot ni Marion..


"Hala."


"Oh Monday, paano ba 'yan? Mukhang kailangan na nating umuwi?"


"Hindi ba pwedeng mamaya na lang?" tanong ni Monday..


"Hindi eh. Papagalitan ako."


"O'sige na nga."


Lumapit si Marion kay Monday, may kinuha ito sa kanyang bulsa.


"Ilong. 'Heto ang school na papasukan ko sa High school. Gusto ko after ng 2 Years, magkikita tayo roon." sabay abot ng papel kay Monday..


Tiningnan ni Monday ang nakasulat sa papel.


"Tarlac Institute?"


"Oo. Sa Tarlac Institute ako magha-High school."


"Diba mahal dito? Paano ako makakapasok dun? Puro matatalino lang ang nag-aaral doon eh."


"Hindi ko alam. Basta dapat magkikita tayo roon ha? Pangako mo sa akin!"


"Oo sige, magkikita tayo."


Niyakap ni Marion si Monday ng mahigpit. At may binulong ito na nakapagpaiyak sa batang babae.


"Mag-iingat ka lagi Ilong ha? Magkikita ulit tayo."


At habang papalayo ang sinasakyan nina Marion ay patuloy ang paghikbi ni Monday. Matapos ang araw nila ay puno ng kalungkutan.


Nagsimulang mabuhay si Monday ng wala ang kalaro niyang si Marion. Nag-aral siya ng maigi at ginawang inspirasyon ang kanyang kaibigan. Sa araw ng pagtatapos ay nakuha niya ang pinakamataas na parangal sa kanilang paaralan. Naging Valedictorian si Monday. Dahil dito ay nagdaos ng isang munting celebration ang kanilang pamilya.

One Hundred Days (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon