Chapter 20: Pauwi ng Maynila

2.4K 13 5
                                    

Chapter 20: Pauwi ng Maynila


"Anak."


"Ano pong nangyari, tatay??"


"Nakausap ko na siya at mukhang.."


"Ano po??"


"Mukhang wala siyang masamang intensyon sa'yo."


"Gusto ko siya para sa'yo, anak."


"Ta - talaga po?" sabay hawak sa kamay nito..


"Oo anak. Pero may pakiusap ako sa'yo."


"Ano po 'yun?"


"Huwag maging mapusok sa pag-ibig."


"O - opo. Alam ko po ang limitasyon namin. Makakaasa po kayo."


"Tumulad kayo sa amin ng nanay mo."


"O - opo, tatay. Tatandaan ko."


"Te - teka. Tulungan mo akong umupo, anak."


Tinulungan ko itong makaupo, gaya ng gusto niya.


"Lumapit ka sa akin anak."


Pagkalapit ko ay nagulat ako bigla dahil niyakap ako nito. At napaiyak ako muli sa mga sinabi nito.


"Ang bilis talaga ng panahon.. Dati rati'y kami lang ng nanay mo ang pumoprotekta sa'yo pero ngayon, may iba na."


".. ang bilis ng oras, masaya ako anak sa mga tinatamasa mo ngayon. Mag-aral maigi anak ha, para sa'yo rin naman 'yun. At 'yun lamang ang tanging maipapamana namin sa'yo na hindi maagaw sa'yo ng kahit na sino."


"O - opo tatay.. Sa..salamat po." hikbi ko..


"O'siya, malapit ng dumilim, mag-ingat kayo sa pag-uwi.."


"Opo. Kayo rin po, ingatan niyo ang sarili niyo ha? Magpakalakas po."


"Malakas ako anak! At sa susunod na pagdalaw niyo rito, makakalakad na ako."


"Aasahan ko yan tatay ha? Mahal na mahal ko po kayo!!" sabay yakap ko rito ng mahigpit..


"Mas mahal kita anak, kahit hindi ko man madalas nasasabi ko sayo noon, mahal kita. Mahal na mahal ka namin ng nanay mo."

One Hundred Days (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon