Chapter 73: Panyo

597 7 0
                                    

Chapter 73: Panyo


Puno pa rin ng katanungan ang isip ko. Bakit siya nandito? Anong ginagawa ni Marion ngayon dito sa harapan ko?? B –bakit..


Napatungo ako at.


"A – akala ko ba.. nag-migrate na ang pamilya niyo.." tanong ko rito..


"Nagpumilit ako na bigyan ng ilang araw pa, bago kami umalis. Ilong, maupo ka muna. 'Wag ka matakot, ako pa rin 'to. Ang Marion na nakilala mo. Marahil gulong-gulo ang isip mo ngayon, pero hayaan mong bigyan natin ng linaw ang lahat." mahinang sagot nito..


Huminahon ako. Umupo ako sa may dulo ng slide, kung saan huli akong pumwesto. Samantalang siya, umupo sa may malapit sa akin. Nakaupo ito sa may buhanginan.


"Naalala mo pa ba 'to?" tanong nito sa akin..


Napatingin ako sa tinuturo nito. Nakaturo ang daliri nito sa may likurang bahagi ng unuupuan ko.


"Ah, oo.. Inukit ko 'yan, noong bata pa tayo."


"Oo, tama ka nga. Pero, napansin mo ba na.."


"Napansin ko nga." mabilis na pagsagot ko..


"..noong bagong dating namin dito, napansin kong may nag-ukit muli ng mga letra. Teka, ikaw ba?"


"Oo, ako nga. Ako ang nag-ukit muli ng mga letra dito." sabay ngiti nito sa akin..


Nakatingin ako sa kanya. Hindi gaanong nagbago ang itsura nito, medyo pumayat siya dahil sa madalas na pagkakasakit niya pero siyang siya ang Marion na nakilala ko. Nagtaka ako kung bakit niya ginawa yun kaya.


"Bakit mo siya inukitan ulit? Kailan mo siya ginawa at.. bakit ka nandito, pala?"


"Inukit ko siya, ilang araw bago ka dumating dito. Hindi ko nga inaasahan na uuwi ka dito kaya noong nalaman kong babalik ka rito, gumawa ako ng paraan para magtatagpo tayo ulit. Nahanap ko ang address ng bahay niyo pero.. hindi ko malaman kung saan ang eksakto. Nakakatuwa nga dahil.."


"Dahil ano?"


Natahimik ito. Tumingin sa langit. Napangiti at.


"Nagtagpo tayo ulit dito." sabay tingin sa akin..


"G – ganon ba.." sabay tungo ko..


Tumayo ito at.


"Halika, sumama ka sa akin." sabay abot ng kamay nito..

One Hundred Days (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon