Chapter 1.9: Unexpected (part 2) - Meet Up

4.1K 35 2
                                    

Chapter 1.9: Unexpected (part 2) - Meet Up


Kinaumagahan ay masigla ang paggising ni Johan. Bumaba siya upang mag-almusal. Naabutan nito ang kanyang nanay na naghahanda pa lang ng almusal.


"Oh, Johan? Ang aga mo yatang nagising?"


"Good morning, mom." sagot ni Johan habang kumukuha ng wheat bread..


"Uhm, Kasi. I have a trip to Tarlac today eh."


"Oh really?"


"Yup."


Alam ni Johan na masama ang magsinungaling pero kailangan niyang gawin iyon para hindi mag-alala ang nanay niya. Pagkatapos niyang kumain ay naligo ito at agad nagbihis. Paalis na ito ng bahay ng.


"Take care my dear!"


"You too, Mom. I'll be home after a week."


Umalis na ito, saktong ala sais ng umaga nagsimula siyang nagbyahe papuntang Tarlac. Habang nagmamaneho ay kumakanta ito para hindi siya mainip. Lumipas ang mahigit labing dalawang oras ay nakarating ito ng Tarlac. Lagpas na ng ala sais ng gabi ng makarating ito sa isang bayan doon. Nagtanong-tanong siya kung mayroon doon ng kalakal na nagmumula sa Maynila. Lumipas angi sang oras at walang nakapagturo sa kanya kung nasaan ito. Dahil hindi sapat ang perang dala nila para makapag-hotel ay naghanap ito ng nagpapaupa ng kwarto. Sa 'di kalayuan ay nakahanap ito ng bahay na may ganon. Agad niya itong pinuntahan.


Sa tapat ng bahay ay kumatok si Johan.


"Anong hanap mo, iho?"


"Nagpapa-rent po ba kayo ng room?"


"Oo iho, sakto ang pagkarating mo. Kakalagay lang ng karatula sa labas. Halika tuloy ka."


Pumasok si Johan sa kwarto at agad nitong inayos ang mga gamit niya. Pagkatapos ay nagpalit ito ng damit niya.


Habang nagpapalit.


"Maganda ba ang kwartong ito, iho?" sabi ng babae habang pumapasok sa kwarto..


Nagulat si Johan sa narinig niya kaya agad nitong sinuot ang t-shirt niya.


"Oh! Uhm. It's cool and comfortable."


"Kwarto kasi ito ng anak ko." sabay ngiti nito..


"Anak?"


One Hundred Days (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon