Chapter 25

508 20 2
                                    

NAKAUPO lang sa isang sulok si Jennica habang umiinom ng lemon juice. Nasa club sila ngayon na pagmamay-ari ng isa sa kanyang mga kaklaseng babae. All girl's night out lang ang party. Wala silang kasamang boys. Tinungga niya ang lemon juice saka nagtungo sa Ladies Room.

Paglabas niya mula sa restroom ay agad siyang hinila ni Mickey para magsayaw. Hindi naman siya makatanggi kaya humataw na rin siya sa saliw ng kantang Diva ni Beyonce. Habang sumasayaw ay marami siyang iniisip, well, actually maraming bagay tungkol sa iisang tao ang kanyang iniisip, I really don't get him. Bakit ba niya ako iniiwasan? Dahil sa halik? Shit niya. Siya nga iyong humalik tapos siya iyong iiwas? Jerk talaga., may nakita siyang dumaan na serbedora na may dalang red wine, kukuha sana siya ng isa kaya lang pinigilan siya ni Mickey.

"No Jennica. Baka pagalitan kami ni Ideal Stone kapag nalasing ka."

Pagalitan? Tch. Wala nga iyong pakialam sa akin eh., iyan sana ang gusto niyang isatinig kaya lang baka ma-offend ang dalagang si Mickey, "No Micks . . . oh! Can I call you Micks?" nakita niya namang nakangiting tumango si Micks saka siya nagpatuloy, "I have an Ideal boyfriend . . . " I hope I don't sound sarcastic. Haha!, " . . . so he'll understand."

Nagkatinginan naman si Mickey at kanyang mga kaklaseng babae. May point naman ang dalagang si Jennica. Being an Ideal man means being perfect, and being understandable is one of the many characteristics of being 'perfect'.

Tuluyan ng kumuha ng isang glass ng red wine si Jennica at binotoms-up ito, This is life. Walang parents. Walang Lence. At lalong walang Reymond., "Let's dance!"

Maya-maya ay pa ay may naaninag na pamilyar na tao si Jennica, "B-bessie?" nakaupo ito sa isang couch at may katabi itong isang babae na petite at morena. Mukhang masaya silang nag-uusap, "Please excuse me." halos takbuhin niya ang kinaroroonan ng kanyang matalik na kaibigang si Rannieka Joveta, "Bessie!" she hugged her bestfriend. "I miss you bessie!"

Nagsalubong naman ang kilay ni Rannieka Joveta. Hindi niya kilala ang babaeng yumayakap sa kanya kaya marahan niya itong itinulak. "Uhm . . . sorry but I think you're drunk. I-i don't know you missy." tiningnan niya ang kanyang bestfriend na si Eriz Lil Saint na nasa kanyang tabi. "Let's go best?"

"W-what?" napatingin si Jennica sa petite na babaeng katabi ng kanyang bessie. "Ikaw ang bestfriend niya? Wait. Ako ang bestfriend ni Rannieka."

"Anong pinagsasabi mo miss? Ako, si Eriz Lil Saint, ang bestfriend ni Rannieka. Halika na nga best?"

"Teka. Rannieka ako ang bestfriend mo. Remember? Pareho pa nga nating hate ang subject na history eh. Ako ito si Jennica." she's on the verge of tears nang hindi siya makakita ni konting hint of recognition mula sa kanyang bestfriend.

"She's just drunk. Rannieka let's—" napatigil sa pagsasalita si Eriz nang biglang hilahin ng dalaga ang kanyang braso upang mapaharap dito.

"Isa ka ba sa . . . sa . . . sa mga gustong saktan ako?" Jennica can't afford to risk everything kaya pinili niya ng mabuti ang kayang mga salita.

"Rannieka. Mauna ka na sa kotse. Ako na ang bahala dito."

"Sure ka best? Ikaw na ang bahala sa lasing na iyan?"

Masakit para kay Jennica ang paraan ng pagkakatingin sa kanya ng sarili niyang bestfriend. Makikita niya ang disgusto sa mukha nito. Nang tuluyan nang nakaalis si Rannieka ay tiningnan niya muli ang babaeng nagngangalang Eriz, "Sino ka ba talaga?"

"Ako si Eriz Lil Saint."

"Anong ginawa mo si bestfriend ko?" puno ng hinanakit na tanong ni Jennica.

The Philosopher Stones (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon