Chapter 40

748 29 41
                                    

PINARADA ni Lence ang kanyang motorbike sa parking lot ng Woodsen, nginitian lang niya ang security guard, bilang isa na siyang Canley ngayon ay malaya na siyang nakakalabas pasok sa paaralan.

Agad niyang tinungo ang silid-aralan ng dalagang si Jennica. Nakasalubong pa niya si Oasis na hindi man lang siya pinansin and speaking of Oasis, paano ito nakilala ni Hannah? Dahil lang nasa iisang paaralan sila? Siguro nga . . . , sa isip niya

"Ouch!"

Dahil sa lalim ng iniisip ay hindi napansin ng binata na may nabangga na pala siya, "Miss patawad—Andrea?" tanong ni Lence sa nakabanggang babae. Marami itong dalang libro at tila ba nagmamadali.

"Erm . . . " tanging sambit ni Andrea habang pilit pa rin sinusundan ng tingin si Oasis saka niya binalingan ng tingin ang lalaking nakabangga sa kanya, " . . . do I know you? Hala—" tila nagningning ang mga mata ni Andrea habang nakatitig sa binata, "—ang gwapo mo."

"Sigurado ka bang hindi mo ako kilala? Ganyan din ang sinabi mo sa akin noong unang pagkikita natin." naa-amaze na saad ni Lence. Pinulot niya lahat ng libro mula sa sahig at ibinigay sa dalaga, "Ako si Lence Canley." he offered his hand na tinanggap naman ng dalaga

"Canley? As in Adrian Canley?"

"Kapatid ko siya."

"Wow. Kaya pala ang gwapo mo. Ah sino bang hinahanap mo rito?" 

"Si Jennica Mae Perez."

"Ah sige, sasamahan na lang kita kay Jennica." saad ni Andrea habang nakatingin sa papalayong si Oasis.

***

TININGNAN ni Hannah mula ulo hanggang paa ang babaeng katabi ni Lence pero pasimple niya lamang itong ginawa. Lalo na at nandito sa kanyang harapan ang lalaking pinakamamahal. Kanina pa nito hinihintay na dumating si Jennica at kanina pa siya naiinis dahil kanina pa nagkukwentuhan ang dalawa. Binasa niya ang pangalan ng babae na nasa ID nito, Andrea Borres-Patriar., napataas ang kanyang kilay. Dinagdagan kasi nito ng PATRIAR ang pangalan sa pamamagitang ng sticky letters na iba't iba ang kulay. Hindi naman siguro siya threat.

"Kuya Lence!"

"Jen . . . " abot tenga ang ngiti ng binata nang masilayan ang dalaga.

Agad na pumagitna si Reymond nang magtangka si Jennica na yakapin si Lence.

"Epal talaga." bulong ni Lence.

"May sinasabi ka?" maangas na tanong ni Reymond.

"Wala. Chill ka nga lang. Mag-nestea ka roon. Tabi nga, si Jen ang gusto kong kausapin."

"Ano ba iyon kuya Lence?"

"Hindi ba may salo-salo kayo mamaya? Nalaman kong wala ka pang kapares dahil may ibang kapares ang nobyo mo. Kaya gusto sana kitang yayain."

Agad na napatingin si Jennica kay Reymond na napaiwas lamang ng tingin. Ibinalik niya ang kanyang tingin  kay Lence at sinabing, "Sure."

Naiinis na napakuyom ng kamao si Reymond nang marinig ang sagot ng dalaga.

***

INAYOS ni Reymond ang pagkakakabit ng kanyang bow tie at napatingin sa salamin. Kinuha niya ang kanyang maskara at isinuot ito. Muli, tiningnan niya ang kanyang sarili sa salamin. He slightly smiled pero agad rin itong nabura nang maalala ang nobya. Mula kaninang umaga kasi ay hindi sila nag-iimikan. Napabuga siya ng hangin at kinuha ang rose na nasa mesa at inilagay ito sa kanyang tuxedo.

"Kuya? Let's go." kinatok ni Lil Saint ang kanyang kuya mula sa Unit nito.

Lumabas na nga si Reymond at nakita niya ang ever elegante niyang kapatid kasama ang nobyo nitong si Adrian. Nakasuot ito ng mahabang Fawn colored gown na may maraming fine pleaches sa baba. Nagmumukha itong dyosa na bumaba galing sa Mt. Olympus. Hindi siya sanay na pumuri dito kaya pinuna na lamang niya ang flaw ng kasuotan ng kapatid, "Are you even aware na halos magkakulay lang ang balat mo at ang damit mo?"

The Philosopher Stones (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon