Chapter 43

696 32 59
                                    

JEN, huwag mo akong iiwan. Bumalik ka . . . bumalik ka., napatigil sa pagsusulat si Reymond. Para bang nagkaroon siya ng matinding Writer's Block. Inilagay na lamang niya sa kanyang bulsa ang hawak-hawak na ballpen at sinara ang notebook na pinagsulatan.

Tumayo siya at lumapit sa puting kahon na nasa kanyang harapan. Pagkaraan ay ipinatong niya ang dala-dalang notebook dito. Ito ay naglalaman ng ala-ala niya at ng dalaga. Magiging ala-ala ka na lang ba mahal ko?

"Mahal ko . . . tingnan mo, isinulat ko sa libro ang love story natin. Pinamagatan ko pang 'Hangin' kasi nga diba? Ikaw ang hangin ko."

Dahan-dahang lumapit si Lil Saint sa kanyang kuya. Kasunod niya ang kanyang nobyong si Adrian na panay ang buntung-hininga.

"Jennica, ano? Maganda ba?" tanong ni Reymond sa dalaga. Bumuntung-hininga siya nang hindi ito sumagot, "Hindi ko ito matatapos hangga't hindi ka nagigising alam mo ba iyon?"

"Kuya, kami na muna rito."

"Huwag na Lil Saint, baka hanapin niya ako."

Nagkatinginan ang magkasintahang Lil Saint at Adrian, "Kuya may kailangan ka pa raw pirmahan para sa simbahan. Ililibing na siya bukas—"

Umiling si Reymond habang hinimas-himas ang maputing ataul, kitang-kita niya ang mukha ng minamahal sa loob nito, "Hindi niya ako iiwan diba?"

Hindi na nakasagot pa si Lil Saint dahil biglang may umatake mula sa kanilang likuran at pinaghahampas ang kanyang kuya.

"Walang hiya ka?! Anong ginawa mo kay bessie?! Anong ginawa mo?!" naiiyak na pinagsusuntok ni Rannieka ang binatang si Reymond. Ayon kasi sa kanyang matalik na kaibigang si Josephine ay may kinalaman ang binata sa pagkamatay ng bestfriend nila. Kaya lang ayaw sabihin ng kaibigan kung paanong may kinalaman ang binata pero kahit na ganoon pa man ay galit na galit pa rin siya rito, "Hayop ka!"

"Rannieka awat na." pagpipigil ni Josephine sa kaibigan. Ni hindi niya nga alam kung pipigilan niya ito kasi maging siya ay galit na galit sa binata. Alam niyang wala itong kasalanan pero galit na galit pa rin siya.

Hindi ininda ni Reymond ang bawat pananakit sa kanya ng kung sino mang babae na nasa kanyang likuran. Tanging nakatitig lamang siya sa mukha ni Jennica. Para bang kahapon lang ay napakapula ng labi nito ngunit ngayon ay namumuti na sa putla, Jen, hindi ba pwedeng kahit 5 minutes lang bumalik ka muna? O kaya 4? O 3? Kahit 1 minute lang Jen bumalik ka. Masabi ko lang na . . . mahal na mahal kita.

"Ano?! Sumagot ka!"

Iritadong bumuntung-hininga si Oasis mula sa kanyang kinauupuan at agad na tumayo. Unang-una sa lahat, simula nang mamatay si Jen dalawang araw na ang nakakalipas ay palagi na siyang nakasunod kay Reymond, tila ba naging personal body guard na siya ng binata. Pangalawa, inis na inis siya kay Rannieka Joveta. Wala itong karapatan para saktan ang kaibigan niya, hindi nila alam ang pinagdadaanan nito.

"Pinatay mo siya! Pinatay mo siya!" pang-aakusa ni Rannieka. Wala siyang pakialam kung nag-eeskandalo na siya. Ang importante sa kanya ay ang kanyang kaibigan at ang hustisya sa pagkamatay nito. Patuloy pa rin niyang pinaghahampas si Reymond hanggang sa maramdaman niyang may umaawat sa kanya, "Bitawan mo ako!" walang iba ito kundi si Oasis Patriar.

Hindi na umimik pa si Josephine. Siguro napansin na ng binata na hindi niya pinipigilan ang kaibigang si Rannieka kaya ito na mismo ang umaksyon. Naibaba na lamang niya ang kanyang mga mata nang tingnan siya ng matalim ni Oasis.

"Stop." malamig na saad ni Oasis sa babaeng si Rannieka, "Hindi mo alam ang lahat babae." hinila na niya ito palabas ng mansyon ng mga Perez. Dito kasi napiling ihimlay pansamantala ang labi ni Jennica.

The Philosopher Stones (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon