Chapter 53

402 10 0
                                    

"AAHH!"

Napatingin ang lahat kay Daisy nang bigla itong sumigaw.

"Baby what's—" natigilan si Martin nang makaramdam siya ng parang may pumupukpok sa kanyang ulo, "—aahh!"

"Oh shit, this is—unnhh!" pinipigilan ni Oasis ang pagsigaw pero talagang masakit. Parang may ibinabaon na pako sa kanyang utak, "Aahh! Damn it!"

"Anong nangyayari?!" tanong ni Lence nang makita ang nangyayari. Lahat ng agents ay nakahawak sa kanilang mga ulo at nagsisisigaw. Tanging si Hannah at siya lang yata ang hindi nakakaranas ng sakit kaya ito ang tinanong niya.

Putlang-putla si Hannah pero hindi siya nagpadala, "They're suffering from Death Ache. Their minds are systematically interconnected at ang death ache ay sinyales na nasa bingit ng kamatayan ang isa nilang kasamahan."

"Ano ka'mo—whoah!" sigaw ni Lence nang biglang nagpagewang-gewang ang van na kanilang sinasakyan.

"Lence palitan mo si Christian sa pagmamaneho!" sigaw ni Hannah.

"Teka! Hindi ko alam kung saan—"

"I'll guide you. Come on!" lumipat na nga sa passenger's seat si Hannah at si Lence naman sa driver's seat.

"Shit ka Reymond wag ka munang mamamatay!" sigaw ni Edward habang pumipikit ng mariin. Halos hindi na rin siya humihinga dahil sa kakatiis sa sakit.

Pinaandar na nga ni Lence ang kotse at pinaharurot ito ng mabilis, "Ibig sabihin hindi pa patay ang maangas na iyon?"

"Hindi pa pero malamang naghihingalo na iyon. Isang palatandaan lang ang makakasiguradong patay na nga siya."

"A-ano?"

"Kapag . . . hinimatay sila." pahayag ni Hannah habang nakatingin sa kanyang mga Codes na pinipigilan ang pagwawala. Karamihan sa kanila ay naluluha na dahil sa sakit, Hold on Reymond.

***

"REYMOND! Reymond! Reymond!" tawag ni Dahlia sa minamahal. Paika-ika pa siyang pumasok sa silid na puro alikabok, abo, at sunog ang makikita. Iyak siya ng iyak habang pilit pa ring tinatawag ang pangalan ng binata, "Reymond! Reymond! Please magpakita ka na . . . "

Nakatulalang tiningnan ni Rannieka ang babaeng nagpakilala bilang si Jennica. Hindi niya naman sinasadya ang lahat.. In the first place, si Nigel lang ang gusto niyang makuha.

"Rannieka."

Nang marinig ng dilag ang boses na iyon ay agad siyang napalingon, "Nigel h-hindi ko sinas—"

"Bitch ka talaga!"

"Hannah." saway ni Lence.

Umismid lang si Hannah at pumasok sa silid.

"Grabe!" hilot-hilot ni Edward ang kanyang ulo, "I'm fine now, kayo ba?"

"Yeah. Same here. Nakakawala ng cuteness. Tsk. Tsk." saad ni Cabaron almost rolling his eyes.

Tumango na rin si Adrian, "Let's find him." pahayag niya at pumasok na sa silid.

Sumunod ang iba at naiwang magkaharap sina Nigel at Rannieka.

"How could you do this to your friends Rannieka?"

"Nigel." yumuko ang dalaga at pinahid ang luhang naglandas sa kanyang pisngi, "Pitong buwan ka lang maging akin, ayos na ako."

"Anong ibig mong sabihin?"

"May cervical cancer ako, terminal stage. Maswerte pa nga ako eh kasi may pitong buwan pa ako bago mamatay. " 

Napatulala si Nigel, hindi siya makapaniwala sa sinabi ng dalaga. "A-alam ba ito nil—"

"Hindi. W-wala akong planong sabihin sa kanila. Ayokong kaawaan lang nila ako. Please Nigel, ayokong sabihin mo sa kanila." nagmamakaawa ang tingin ni Rannieka, "At talaga bang si Jennica ang babaeng iyon?" 

Hindi umimik si Nigel at kinuha ang Gloss to Doze na nasa kanyang bulsa, tama nga siya, may pakinabang ito sa kanya. Naglagay siya ng konti sa kanyang mga labi at hinila palapit ang dalaga. Natitigan niya ito ng mabuti at hindi niya maipagkakailang naroon pa rin ang ganda nito. Inaamin niyang minahal niya nga si Rannieka pero iba na ang mahal niya ngayon.

Gulat na gulat si Rannieka nang halikan siya ng binata matapos itong mag-apply ng lip gloss.

Sinalo ni Nigel ang dilag nang tuluyan na itong makatulog at pumasok na sila sa silid.

"I have a theory." napatingin ang lahat kay Oasis habang nakatingin sa labas ng nag-iisang bintana sa silid.

Nagkatinginan naman ang lahat at sabay na napatango.

Ibig sabihin, tumalon siya diyan?, tanong ni Dahlia sa isipan at pinahid ang luha. Dahan-dahan siyang tumayo at lumapit sa bintana. Napalunok siya nang makita kung gaano katarik ang maaaring tinalunan ni Reymond. For god's sake nasa ikapitong palapag sila!

Sinenyasan ni Adrian si Dahlia na tumabi. Tiningnan niya kung gaano ito kalalim at napangiti.

Halos malalag ang puso ni Dahlia nang makitang tumalon doon si Code Silent.

"He's here!" sigaw ni Adrian mula sa baba.

"Exciting ito!" sigaw ni Edward at sumunod na tumalon.

Akmang susunod si Dahlia pero agad siyang hinila ni Lence, "Huwag! Bumaba na lang tayo."

"P-pero—" napabuntung-hininga ang dalaga at nagpahila na lang din sa kanyang kuya Lence.

---

If you liked this part, please do Vote.

If you have something to say, please do Comment. 

If you can't do both, please do Share.

Love lots mga bebe, SheIsLexa. :*

The Philosopher Stones (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon