An Excerpt from PS Book 2

598 19 4
                                    

KANINA pa nagpabalik-balik ang binatang si Christian sa pintuan ng kwarto ni Adrian na kung saan natutulog ngayon ang dalagang si Lil Saint. Lalapit sa pinto . . . uupo ulit . . . lalapit . . . uupo ulit sa sofa ang peg niya. Kada lalapit siya sa pintuan ay akmang kakatok siya pero hindi niya itutuloy. Napakamot siya ng ulo at umupo na lang ulit sa sofa. 

Kanina niya pa kasi hinahanap ang pusang si Adonis. Kailangan na nitong kumain ng breakfast kaya lang hindi niya ito mahanap. Sinubukan na niyang itanong sa front desk kung may nakalabas bang pusa sa Condo Unit niya pero ang sabi eh wala naman daw. Kaya ngayon . . . nagbabakasakali siyang nasa loob ito ng kwarto ng dalaga.

Mainitin pa naman ang ulo ng pusang iyon kapag hindi nakakapag-agahan. Hindi siya pinapansin nito buong maghapon at kapag manonood siya ng palabas inililipat nito ang channel o di kaya'y itatago ang kanyang remote control. 

Sa huling pagkakataon ay nilapitan niya nga pinto at sa wakas, nagkaroon siya ng lakas ng loob na katukin ito. "L-lil Saint?" he cleared his throat at pilit na iniiwasan ang pagkabulol, "May pusa ba dyan sa loob?" he thought again at napagtantong parang may mali sa kanyang sinabi o sadyang dirty minded lang talaga siya, Takte. Ang dumi ng utak na ito., saad niya sa isipan, "Ang ibig kong sabihin nakapasok ba ang pusa ko dyan?" mas lalo siyang napamura nang mapagtantong hindi pa rin kaaya-aya ang sinabi. 

Nang walang sumagot ay pinihit na lamang niya ang busol at dahan-dahang pumasok. Tahimik pa ang buong kwarto kaya sa tingin niya ay natutulog pa ang dalaga. Lumingon siya kaliwa kaya kitang-kita niya kung paano nababalot ng kumot si Lil Saint. Para itong lumpia, higanteng lumpia. Napangiti siya nang mapansin ding natatabunan ang mukha nito ng buhok.

Lumapit siya ng walang ingay dito dahilan para mas lalo niyang napagmasdan ang mukha nitong natutulog. Umupo siya sa kama nito at pinagmasdan lamang ang dalaga. Gulong-gulo ang buhok nito at nakanganga pa. Mas lalo siyang lumapit dito at dumukwang. Ngayon lang niya natitigan ang dalaga ng ganito kalapit.

You changed a lot., tanging saad niya habang pinasadahan ng tingin ang bawat detalye ng mukha nito. Mula sa curly nitong pilik mata hanggang sa ilong nitong napakataas ng bridge. Nang dumapo ang kanyang tingin sa labi ng dalaga ay agad siyang napangiti, iniisip niya kung gaano kasaya ang magising bawat araw na kaharap ang mukhang ito, kung gaano kaganda ang magiging umaga niya sa isang halik galing sa labing ito.

Dream on Christian., naalala niya tuloy ang turo sa kanyan ng mga magulang patungkol sa pagdesisyon. Kailangan umano isaalang alang mo ang O.I.C. Object, Intention, at Circumstances. Walang problema dun sa dalawa pero talagang sasabit sila pagdating sa sirkumstansya. Akmang tatayo na siya para hanapin ang pusa kaya lang biglang umungol ang dalaga.

"Unnhhh . . . Christian. Hihi. Ano ba—hihi!" 

Nagtatakang pinagmasdan ni Christian ang dalaga.

"Christian my baby loves, hihi! Nakikiliti ako!" natatawang saad ni Lil Saint habang nakapikit. May kung ano kasing mabalahibo na kumikiliti ngayon sa kanyang hita. "Hihi! You're so naughty ah?" she then opened her eyes at nakitang nakatayo sa malayo si Christian. Nakataas pa ang kilay nito at tila ba nagtataka kung anong pinaggagagawa niya. "Omg. Kung nandyan ka eh . . . sino iyong kumikiliti sa akin?" 

May ideya na si Christian pero hindi na lamang siya umimik, trying hard to fight the urge to laugh.

"Aaahhh!!!" makabasag eardrums na tili ni Lil Saint habang pilit na inaalis ang sarili sa kumot. Akmang hahampasin niya sana ang kung anumang organismong iyon kaya lang may lumabas na pusa. Isang super duper cute at puno ng balahibong pusa. "Eh?"

"Meow." 

"There you are." 

"Meow." hindi pinansin ni Adonis ang amo. Lumapit lamang siya sa babae at tinitigan ito, "Meow." 

Lil Saint can't help it, this cat is so . . . "Kawaii!!!" kinarga niya ito sa kanyang mga bisig at hinimas-himas ang balahibo. Hinarap niya ito sa kanyang mukha at nakangiting kinausap, "Anong pangalan mo?"

"Meow."

"Meow?"

"Meow." 

Ang galing, nagkakaintindihan sila., sa isip ni Christian, "He is Adonis." 

Saka pa lang nagsink-in sa utak ni Lil Saint na nandyan pala sa kanyang paligid ang kanyang baby loves. Hindi na siya nag-abala pang lingunin ito dahil baka mapaghalataang nagblush siya. Sa halip ay kinausap na lamang niya ulit ang pusa, "Ikaw ba si Adonis?"

Hindi umimik ang pusa.

"Err . . . hindi ikaw si Adonis?"

"Meow."

"Ahh . . . ikaw si Meow?"

"Meow. Meow. Meow."

Tumango-tango si Lil Saint, "I understand your sentiments."

Kinagat ni Christian ang kanyang pang-ibabang labi, pinipigilan niya talaga ang sariling matawa. She's impossible.

"Alam mo kasi Meow it's like this, I'm here kasi someone is nagbabanta sa kagandahan ko. You know naman kaming mga dyosa ang daming nagfafollow, mapatwitter, IG, o tumblr pa iyan at mapa Prince man iyan o Frog, hinahabol talaga kami. Kaya huwag ka ng magalit kung nakishare ako ng room mo, I need kasi ng pagtataguan for now kaya bati na tayo Meow ah?"

At pinalitan pa talaga ang pangalan ng pusa ko?

Saglit na nagtitigan si Lil Saint at ang pusa.

"Meow."

"Yay!"

Umiling si Christian at lumapit sa dalawa saka sinabing, "Akin na iyan, papakainin ko muna. At ikaw . . . " pagpapatungkol niya sa dalaga, " . . . kumain ka na rin. Malala ka na, pati pusa kinakausap mo." pabulong lang niyang sinabi ang mga huling kataga.

"Anong sinabi mo baby loves?"

Baby loves?, "Sabi ko, Adonis ang pangalan niya. Iyon ang nakalagay sa birth certificate niya." he offered his arms para kunin na si Adonis kay Lil Saint. Agad naman itong ibinigay sa kanya ng dalaga ngunit . . . nang maglapat ang kanilang mga kamay ay saglit silang natigilan. Something flickered. Ilang segundo rin silang nagkatitigan at hindi magawang ialis ang tingin sa isa't isa.

"Meow." 

Saka lamang sila natauhan nang makita ang mukha ni Adonis na para bang sinasabing, 'Ano? May balak ba kayong bitawan akong dalawa o panghabang buhay na lang akong nakasampay sa mga kamay niyo?'

"Yiieee! Si baby loves natigilan! Naramdaman mo rin iyon ano?" 

"H-ha? H-hindi ko naramdaman iyong spark." kinuha na niya ng tuluyan ang kanyang pasaway at matabang pusa saka tuluyang lumabas ng kwarto ng dalaga.

"Teka . . . " pahayag ng dalaga habang hinimas-himas ang baba, " . . . did I mention spark?" kinuha niya ang kumot at inilgay ito sa kanyang ulo. Inayos niya ito at pinusod ng konti sabay sabing, "Ang long ng hair ko!" impit siyang napatili at nagpagulong-gulong sa kanyang kama.

(Please click the external link to proceed to PS Book 2. Enjoy!)

---

If you liked this part, please do Vote.

If you have something to say, please do Comment. 

If you can't do both, please do Share.

Love lots mga bebe, SheIsLexa. :*

The Philosopher Stones (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon