Chapter 27

813 45 15
                                    

"DIEGO, sigurado ka na ba talaga sa desisyon mo?"

Napabuntung-hininga ang ginoo bago sinagot ang tanong ng asawang si Diana, "Yes. She deserves it honey. Dahlia deserves it."

Napakuyom na lamang ng kamao si Diana, sinabi na kasi sa kanya ng asawa ang lahat lahat ng tungkol sa Project Dahlia at hindi niya alam kung saan lulugar. Kung papayag ba siya sa plano ng PS 6th generation o hindi, "She doesn't deserve to die." she said in a gritted teeth.

"No honey . . . she won't die. She'll just sleep for awhile."

Sleep., halos mabingi ang ginang sa sinabi ng asawa. Nilingon niya ang ginoo na may nagbabadyang luha sa kanyang mga mata, "And what if she won't wake up? What if she can't? What if you're wrong? What if s-she'll fall asleep . . . for . . . for . . . " tila ba ayaw lumabas sa bibig ng ginang ang salita, " . . . forever?"

Nilapitan ng ginoo ang asawa at niyakap ito ng mahigpit, "Our Dahlia's strong. She can do it. She must do it."

***

"REYMOND! Damn it! Bitawan mo ako!"

Natatawang nilublob ng binata ang dalaga sa bath tub na  puno ng malamig na tubig, "Kanina pa kita ginigising ayaw mong magising. Hinalikan na kita't lahat eh hindi ka pa rin nagigi—shete otso nuebe! Huwag mo nga akong basain!" mabilis na lumabas si Reymond sa banyo saka sinara ang pintuan nito nang basain siya ng dalaga. Kakatapos lang niyang maligo at ayaw na niyang mabasa ulit. Natatawa na lamang siyang sumandal sa pader.

Habang sa loob ng banyo naman ay halos mapunit ni Jennica ang damit na pantulog dahil sa sama  ng loob. Nakapajama pa siya nang nilublob siya ni Reymond sa tub, "Gago ka talaga! Hindi mo ba alam iyong sayings na magbiro ka na sa lasing huwag lang sa bagong gising?!" naiinis na sigaw niya saka pinaandar na ang shower.

"Kanina ka pa gising eh, nasasarapan ka lang sa halik ko kaya ayaw mong dumil—"

Binato ni Jennica ng sabon ang pinto ng banyo, "Layas!"

Mas lalong natawa ang binata habang nakasandal na ngayon sa pintuan sa labas ng banyo, "Good morning too!" saka siya kumaripas ng alis sa unit ng babae.

Napapailing na hinilot ni Jennica ang sentido niya, "Sinungaling ang lalaking iyon. Mabuti sana kung hinalikan niya talaga—" mabilis niyang tinakpan ang kanyang pasaway na bibig.

Nang matapos na ngang maligo si Jennica ay agad siyang pumunta ng Shooting Unit, pangalawang beses na niya sa pagtitrain sa Unit na ito at so far so good naman siya. Napa-smirk siya nang maalala ang mukha ni Reymond sa tuwing nakakakuha siya ng bulls eye.

Bumukas ang pinto ng Shooting Unit at iniluwa nga nito si Jennica at gaya ng inaasahan ni Reymond ay nagkasalubong ang kilay ng dalaga habang nakatingin sa firing range.  Habang siya naman ay prenteng nakaupo sa Control Sub Unit at nag-wave lang sa babae nang mapatingin ito sa kanya.

Jennica simply rolled her eyes at kumuha na ng baril sa compartment. Huminga siya ng malalim at napaisip, Bakit mukha niya ang nasa hologram? Sira ulo talaga., then she started to fire pero kanang kamay lamang ng hologram ang tinamaan niya. She can't concentrate because of Reymond's hologram eyes. The holograms are moving from left to right at wala pa siya ni isang natatamaan sa puso o sa ulo.

Satisfied na ngumiti ang binata saka lumapit kay Jennica, "Are you ok?" may halong pang-aasar na tanong niya.

Jennica reloaded the gun at hindi pinansin ang paglapit ng binata. Kinalabit niya ang gatilyo at tinarget ang ulo ng hologram pero sa kasamaang palad ay balikat lamang ang natamaan niya, "Tsk." Don't look at the hologram's eyes Jennica. Don't.

The Philosopher Stones (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon