Undercover

936 66 46
                                    

Dinala ni Reymond ang dalaga sa PS Headquarters. Wala nang ligtas na lugar para sa dalaga kung hindi doon na lamang. Nakatulog ito dala na rin siguro nang pagod at trauma and what's worse is she's still wearing the towel. Damn. I don't have the courage to change her.

Inihiga niya ito sa kama ng kanilang guest room. Ang likot-likot mong matulog., galaw kasi nang galaw ang dalaga kaya hindi niya ito maiwan-iwan dahil baka mahulog na lamang ito mula sa kinahihigaan, "Commanding Assistance for Code Ideal to any available codes here at Guest Room 373. Right Away," saad niya sa kanyang earpiece.

Bumukas ang pinto at nakita ni Code Ideal si Code Courtship suot-suot ang pulang maskara.

Napangiti na lamang nang nakakaloko si Christian, the Code Courtsip, nang makita ang posisyon ni Reymond at Jennica, "At anong assistance ang kailangan mo, Reymond? Pabili ng con-"

"Stop," walang ganang pahayag ni Reymond pahayag sa green-minded na kaibigan. Ang posisyon niya kasi ngayon ay nakayakap sa dalaga habang pareho silang nakahiga, ginawa niya ito para hindi mahulog ang dalaga pero itong malumot na utak niyang kaibigan ay kung anu-ano ang pinag-iisip.

"E, ano 'yan?"

"Tulungan mo na lang ako. Kumuha ka nang pampakalma sa pharmacy area para hindi na maggagagalaw ang tulog na katawan ng babaeng 'to."

"Roger that!" Mabilis pa sa alas-kwatro na umalis si Christian. Marami rin kasing magagandang pharmacists sa naturang lugar kaya paniguradong libre landi siya.

Napailing na lamang si Code Ideal sa reaksyon ng kaibigan at itinuon ang atensyon sa dalagang natutulog. Ngayong malapit na malapit siya sa mukha nito ay mas nagkaroon siya nang tsansang titigan at obserbahan ang bawat detalye ng mukha nito, "You have deep seated eyes. Hindi nga lang gano'n kahaba ang mga pilik-mata mo. Your nose is quiet pointed, enough for men to drool on. Your lips... it's undeniably soft,isn't it, Reymond?" natatawang usap niya sa sarili. Natikman na niya ang mga labi ng dilag at hindi maipagkakailang malambot nga ito. "All in all, you're a beautiful woman, Daisy," huling pahayag niya at di kalaunan ay nakatulog na rin na nakayakap sa katawan nang malikot na babae.



***



Pabalibag na binuksan ni Daisy ang pinto ng Guest Room 373. Nakakainis ka Reymond! Bakit mo siya dinala rito?!, iyan ang gusto niyang isumbat sa lalaki ngunit nawalan siya nang lakas ng loob para gawin iyon nang makita ang dalawang katawan na magkayakap at mahimbing na natutulog.

"Calm down, baby. Reymond did the right thing. Wala ng iba pang mapupuntuhan si Jennica kung 'di tayo," Martin tried to calm her lady.

"Andito na po ang-oops!" Biglaang pasok ni Christian na halatang natagalan dahil sa pakikipaglandian sa mga pharmacists, "Hindi na pala kailangan ng kemikal na pampakalma. Si Reymond lang pala sapat na," nababagot niyang saad at tinanguhan lamang sina Martin at Daisy at saka tuluyang umalis pabalik sa kanyang mga lady-in-white na mga pharmacists.

"Hindi, baby. Maling-mali 'to. May pakiramdam akong may masamang mangyayari. Hindi agent si Jennica, Martin. Paano kung mabaling ni Reymond ang pagtingin niya sa akin kay Jennica.Hinding hindi sila pwedeng magmahalan na dalawa. Hinding hindi iyon pwede," naiiling niyang sabi.

"E, kung ganoon nga, bakit mo kay Reymond ibinigay ang misyon?"

Napakagat-labi ang dalaga saka sumagot, "Siya lang kasi ang mapagkakatiwalaan ko, Martin. Masyado kong mahal ang kambal ko at sa isang Ideal Agent ko lang siya pwedeng ipagkatiwala. Kay Reymond lang."

The Philosopher Stones (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon