The Transferee

2.5K 147 167
                                    

Basa ang kalsada kung kaya't dahan-dahan ang pagmamaneho ni Mrs. Perez. I bet maka-cancel na naman ang meeting ko today with Mr. Dela Torre. Kailan ba titigil ang bagyong 'to?, sa isip niya. Nasa tabi niya ay ang kanyang anak na si Jennica Mae Perez, isang grade 10 high school student. Unang araw kasi nito sa bagong paaralan na papasukan at nag-request itong magpahatid sa kanya. Ang asawa niya namang si Dr. Rendell Perez ay nasa backseat. Napatingin siya sa rearview mirror at kamuntikan ng bumulanghit nang tawa dahil sa nakita.

"Honey pie naman, e. Don't laugh at me," halos nakaduck face na pahayag ng ginoo.

"I'm not. " Pinipilit na itago ng ginang ang kanyang ngiti kahit gusto na talaga niyang humagalpak nang tawa.

Samantala, malapit nang maiyak ang kawawang doktor sapagkat hindi siya magkandaugaga sa pagkarga ng kanyang 3-month old baby na si Jennifer. Hindi naman ito umiiyak, sa katunayan pa nga ay mahimbing itong natutulog, pero talagang hindi siya sanay humawak ng baby. Why did I even volunteer holding her? She's so fragile!, sa isip niya. Kahit na isa siyang doktor, isang neurologist, iba pa rin talaga kapag sariling anak na ang karga, hindi maiwasang hindi nerbiyusin. Mas lalo siyang nanginig nang biglang gumalaw ang baby."Honey pie gumalaw si baby!"

"Ano ba dad? Gumalaw lang si Jennifer, e." Katulad ng kanyang ina natatawa rin ang dalagang si Jennica sa mukha ng kaniyang ama. Nagpout pa ang ginoo na ultimo nagpapaawa sa kaniya para kunin ang baby. Dumila lang siya sa ama at ibinalik ang tingin sa basang kalsada. Ito ang gusto niyang set-up; masaya at walang problema. Ngunit naisip niya bigla ang paaralang papasukan, ang Woodsen Academy. Ano kaya ang naghihintay para sa kaniya sa bagong paaralan?

Bilang panganay na anak ng mga Perez ay hindi maiwasang asahan ng mga tao na mag-eexcel siya palagi. Kasi nga ang mom niyang si Selena Perez ay isang sikat na business tycoon at ang dad niya namang si Dr. Rendell Perez ay isa sa mga hinahangaang neurologist sa bansa.

Napabuntong-hininga siya. It's a good thing na ang mga tao lang ang umaasa at hindi mismo ang parents niya. Bumalik na naman ang kanyang isipan sa papasukang paaralan. Due to curiosity, gumawa siya ng ilang research patungkol sa Woodsen Academy at hindi biro ang mga nalaman niya. Hindi kasi tulad ng paaralan niya noon, ang Science Technology Oriented High School o STOHS, mas matataas ang standard ng Woodsen academically and socially. Hindi rin basta-basta ang requirements and qualifications para makapasok sa paaralang ito.

Napansin ng ginang ang pagbuntong-hininga ng panganay. Sa totoo lang, naaawa siya para rito, ayaw niya sana itong palipatin ng paaralan ngunit talagang kinakailangan. "Jen? Are you ok baby?"

Bumuntong-hininga ulit si Jennica bago lumingon sa kanyang ina, "Yes mom."

Natigilan ang ginoo sa narinig na sagot mula sa kaniyang anak, alam kasi niyang labag sa loob nito ang lumipat ng paaralan. Napatingin na lamang siya sa rearview mirror kung saan nagkasalubong ang tingin nilang mag-asawa, nginitian niya ito upang ipahiwatig na tama lamang ang ginawa nila. Nang ibalik niya ang tingin kay baby Jennifer ay napangiti siya dahil dumilat ang dalawang maliliit na mga mata nito, "Gising na siya!" tawag niya sa kaniyang mag-ina.

"Err... dad? Hindi kailangang sumigaw," pagpapaalala ni Jennica sa hyper na ama.

"Hmp!" nag-pout na naman ito na siyang ikinatawa ng mag-ina.



***



Pasipul-sipol lang si Christian habang papasok sa tambayan ng barkada dito sa Woodsen Academy. Nabalitaan kasi niya na may bagong salta and it's good to know na may bago na naman siyang paglalaruan.

The Philosopher Stones (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon