Chapter 37

718 35 42
                                    

HINDI mapigilang titigan ni Jennica ang ginoong dumating. Maliban sa pagiging makisig at ma-awtoridad na aura ay napako ang kanyang paningin sa itim na mga mata nito. Pakiramdam niya ay nakita na niya ito rati.

Mabilis na napabitaw si Reymond sa mga kamay ng dalagang si Jennica, hindi na siya nag-atubili pang alamin ang reaksyon ng kasintahan at agad na lumapit sa ginoong si Diego, "Magandang araw tito."

Napunta ang atensyon ni Jennica sa kanyang kanang kamay nang bitawan ito ni Reymond. Para lamang siyang nakatayong tuod habang nakakunot noong iniisip kung bakit iyon nagawa ng binata.

"Gusto ko lang ipaalam sa iyo na sa makalawa na ang ikalabing-walong kaarawan ni Daisy at ikaw ang magiging escort niya."


Mabilis na napatingin si Jennica sa dalawa, Of course, hindi siya papayag., kampante niyang bulong sa isipan.

"Yes tito. I will be her escort."

Ngiting kontento naman ang iginawad ni Diego sa binata, saglit niyang sinulyapan ang anak na si Dahlia bago tuluyang nagpaalam.

Uh-oh . . . I smell trouble., sa isip ni Nigel na hindi pa pala nakakaalis mula sa Garden Unit. Nag-aalangan siyang tumalikod at hinay-hinay na lumabas.

"Nigel, wait up!" tawag ni Jennica kay Code Gentle. Tumakbo siya papunta sa binata nang hindi pinapansin ang kanyang nobyo. "May pupuntahan ako, pwede mo ba akong ihatid?"

Napakagat labi si Nigel habang nagpalipat-lipat ng tingin sa kanyang kaibigan at kay Jennica, "Uh . . . "

Jennica rolled her eyes at hinatak si Nigel paalis.

***

PANAY lamang ang buntong-hininga ni Jennica habang nakatingin sa bahay ng kanyang matalik na kaibigan na si Rannieka Joveta. Nilingon niya si Nigel na busy sa kalalaro ng 2Fuse, "Pwede ko bang ibaba itong salamin?" 

Agad na pinindot ni Nigel ang pause button, ayaw niya kasing pinaghihintay ang mga babae, "Oo naman, ako na." at siya na nga mismo ang nagbaba ng salamin sa side ni Jen.

Napangiti si Jennica nang mas masilayan ang mansyon ng mga Joveta saka naisip na naman ang nangyari kanina. Sumimangot agad siya nang maalala ang sagot ng binata sa taong kararating lang.

"Bessie?!" pasigaw na tawag ni Rannieka sa kanyang bestfriend na si Jennica. Naglalakad kasi siya kasama ang kanyang aso nang makita niya itong nasa loob ng Dark Pink na Ferrari.

Nanlaki naman ang mga mata ni Nigel nang marinig ang boses na iyon. You gotta be kidding me., agad siyang lumipat sa backseat at doon nagtago.

Nagtataka man ay hindi na pinakialaman ni Jennica ang ginawa ni Nigel. Nakangiti na lamang siyang bumaba ng kotse para salubungin ng yakap ang kanyang bestfriend, "Gosh bessie namiss kita!" And thank God nakakaalala ka na!

"Bessie sino ang kasama mo?"

"Driver ko."

"Eh nasaan siya?"

"Uh . . . nagbawas? Tama! Andoon sa damuhan!"

"Yuck bessy. Bakit hindi na lang kayo pumasok sa bahay?"

"Ano kasi . . . organic si manong, hindi marunong mag-flush."

"Ew." 

Sa loob ng kotse ay pigil na pigil ang tawa ni Nigel dahil sa sinabi ng dalaga si Jennica and for goodness sake, si Rannieka Joveta iyong kausap niya! Ang tanging tao sa buong mundo na nagtayo ng PS Haters Club

"Ah bessie! May good news ako sa iyo!" ngumiti ng abot langit si Rannieka habang hawak-hawak ang dalawang kamay ng kanyang matalik na kaibigan.

"Ano iyon?"

The Philosopher Stones (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon