Underestimation

523 18 0
                                    

"Jennica just... concentrate, okay? You can do it," pilit na pinapalakas ng binatang si Reymond ang loob ng dalaga. Ang totoo ay alam niya na rin ang sagot pero hindi niya ito maaaring sabihin kay Jennica. Hindi pwede dahil maaaring masaktan ang pamilya nito.

Habang ang dalawang agents na sina Nigel at Martin ay nakasandal lamang sa kani-kanilang kotse habang nakayuko, pareho nilang iniisip kung bakit at sino ang gustong gumawa nito sa dalaga.

"We can ask for Oasis' help for Jennica's Case," suhestiyon ni Martin kay Nigel.

Umling lamang si Code Gentle, "Kahit ang pinakamatalino sa atin ay hindi kaya ang kaso ni Jennica. You know?" Humarap si Nigel sa kaibigan, "There's this missing link kaya hindi natin ito mabuo-buo. At unang una sa lahat, wala tayong suspek sa ginawang pagdukot sa mga Perez at parang tanga lang naman siguro ang kidnapper na iyan? Gumasto pa ng mahal para sa isang cage na de kuryente."

"Right." Martin noded, "The kidnapper can't benefit from this move. Ano bang gusto niya? At pansin ko rin, hindi niya naman yata balak patayin si Jennica. Parang balak lang niya itong pahirapan."

Nigel bit his lower lips, iniisip niya na may punto nga ang kaibigan. Napalingon siya sa gawi nina Jennica at Reymond at kitang-kita niya na unti-unti nang inilalapit ng dalaga ang kanang kamay nito sa number pad. Mukhang handa na nga itong sumagot.

Saglit na inihinto ng dalaga ang paggalaw ng kanyang kamay at nilingon si Reymond. She saw him nod at saka niya muling ibinalik ang tingin sa number pad, This is it! Dahan-dahang lumapit ang mga daliri ni Jennica sa number pad then she pressed, 3, point, 1, 4, 1, 5, 9. Yes, her answer is pi, 3.14159.

Now (3 letters);

I (1 letter)

will (4 letters)

a (1 letter)

rhyme (5 letters)

construct (9 letters)

And so on and so forth. Pumikit siya sa pag-aakalang mali ang kanyang sagot pero she heard a small sound of 'click!'. Minulat niya ang kanyang mga mata at nakita niyang nakabukas na ang hawla, "I-i did it?!" imbis na pasukin ang cage kung saan natutulog ang kanyang amang si Dr. Perez ay tumakbo siya papunta kay Reymond at niyakap ito, "Reymond I did it! Oh thank God!"

Hindi mapigilang ngumiti ni Reymond, "That's my trainee! Walang inuurungan!"

Bumitaw din naman agad sa pagkakayakap si Jennica saka pinuntahan ang cage ng kanyang inang si Selena Perez, she entered the 3.14159 then the cage opened. Ganoon din ang ginawa niya sa cage ng kanyang kapatid. Mabilis niyang kinuha at kinarga ang natutulog na sanggol saka hinahalik-halikan ito. Oh thank God! Baby Jennifer you're safe.

"They'll be fine Jennica, dadalhin namin sila Safe Haven Unit," salubong sa kanya ni Nigel.

Jennica handed the baby to him and smiled.

"Good job aspiring Code Technique IV," nakangiting bati ni Martin sa dalaga habang buhat-buhat niya ang ina nitong si Selena Perez.

"Thank you Martin."

"She deserves to be happy," nakangiting saad ni Reymond na kasalukuyang binubuhat ang doktor na si Rendell Perez papunta sa kanyang kotse. Kasabay niya sa paglalakad si Nigel na bitbit naman ang isang sanggol. He's talking about Jen. Iniisip niya na pinagkaitan na nga ang babaeng makilala ang totoo nitong pamilya eh mawawala pa rito ang itinuring nitong pamilya? That would be too much to take in.

"E, ikaw ba? Kailan ka magiging happy?" paasik na saad ni Nigel.

Sinamaan ng tingin ni Code Ideal si Code Gentle. "I am happy," sagot niya rito.

The Philosopher Stones (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon