Profiles (I)

930 59 47
                                    

"Madali kang matuto."

Ngumiti ang dalaga habang hinihingal pa rin, "Ikaw din, magaling kang mag-train."

"Kaya nga Ideal Stone ako 'di ba? Ideal trainer ang nakita mo sa akin kanina."

Hinampas ng dalaga ang braso ni Reymond sabay sabing, "Kapal."

"Aray naman! E, sa 'yon totoo."

"Training Unit ito, hindi Flirting Unit," biglang singit ni Oasis Patriar na nakasuot ng silver na maskara.

Agad namang umalis ang dalawa habang tawa nang tawa. Inakbayan ni Reymond ang dalaga nang hindi sinasadya na siya namang ikinapula ng huli, Damn. Bakit ba ako kinikilig?, reklamo ni Jennica, "Sino ba 'yon?"

"Code Genius."

"A, talaga? "

"Come on, I'll show you something."

Nagkibit-balikat na sumunod ang dalaga kay Reymond hanggang sa makita niyang pumapasok sila sa isang kwarto na may nakapaskil sa labas na 'PROFILES UNIT'. Nalaglag na lamang ang panga ni Jennica nang makitang puno ng mga magagarang maskara ang naturang silid. Siguro ay napansin ng binata ang kanyang pagkatunganga kaya hinila siya nito papunta sa isang gilid, binasa niya ang nakapaskil sa ibabaw, '7TH GENERATION'.

Reymond cleared his throat at itinuro ang isang Silver na maskara, "Siya si Code Genius, ang nagmamay-ari ng maskarang 'yan. Sa henerasyon namin ay si Oasis Patriar ang nagmamay-ari at nabigyan ng pribilehiyong magsuot ng maskarang iyan at tawaging, Code Genius."

"O-oasis?" Mas lalong napatanga si Jennica, "S-si Genius Stone?"

Tumango si Reymond at nagpatuloy sa pagsasalita, "As his title says, siya ang pinakamatalino sa aming lahat. Kaya niyang lutasin lahat ng puzzles at riddles na ibato sa kanya. Sa aming lahat siya lang ang nakakaperpekto ng bulls eye, kahit nakapikit. I don't know how he does that. Siguro ang masasabi kong edge niya ay ang utak niya. Grabe. Halos alam niya rin lahat ng abilities kung saan kami expert. He can do hacking, arm to arm combat, underwater boxing, name it."

"Wow," namamanghang pahayag ni Jennica habang nakatitig sa magarang Silver mask.

"At hindi lang siya basta-bastang FL, kasi VVVFL siya. Very Very Very Fast Learner. Kaso magaspang ang ugali niya pagdating sa mga babae, kahit nga sa mama niya, medyo masama ang pakikitungo niya. Gano'n pa man ay may dalawang babae pa rin siyang nirerespeto buong buhay niya, ang kanyang mama at ang first love niya. Pero kahit sa dalawa, magaspang pa rin ang pakikitungo niya."

Tumango lang si Jennica.

"Ang pulang maskarang iyan ay pagmamay-ari ni Code Courtship. Sa henerasyon namin siya ay si Christian John Quirol, ang Courtship Stone ng PS. Ang pinakamagaling kumanta at sumayaw sa aming lahat. A total performer. Siya lang yata ang biniyayaan ng acting skills sa aming lahat."

"Acting skills? Pagsayaw? Pagkanta? Naggagamit ba 'yan sa pagiging agent?"

Bahagyang napangiti si Reymond sa tanong ng dalaga, "Hindi mo lang alam kung ilang beses nang nailigtas ng mga abilidad na iyan ang buhay ni Christian at ang buhay ng mga naging misyon niya. The the agent skills? Maliban sa pagiging magaling sa larong bowling at billard ay siya rin ang pinakamabilis lumangoy sa amin. Walang nakakatalo sa kanya maging si Oasis, at maging ako."

Tiningnan ng dalaga ang binata mula ulo hanggang paa, "Sa itsura mong 'yan mabilis kang lumangoy?"

Tinapunan lamang ng binata ng masamang tingin ang dalaga dahilan para matawa ang huli, "Si Courtship Stone ay isang Casanova, nasa dugo na niya 'yan."

The Philosopher Stones (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon