Chapter 38

719 33 58
                                    

NANG makauwi si Jennica sa PS HQ ay may nakita siyang red sticky note na nakadikit sa pintuan ng kanyang Unit, 'I'm sorry', iyan ang nakasulat sa papel. Umismid si Jennica at napaisip, Anong akala niya madadaan lang ako sa sticky note?, binuksan na niya ang kanyang Unit at hindi siya makapaniwala sa kanyang nakita, roses petals and candle lights everywhere.

"Pasensya na aking mahal~ Di naman ako magtatagal~ Nais ko lang marinig mo ang bawat nilalaman~ Ng puso kong ito inaalay ko sayo~ Dinggin mo sana mga sinasabi ng awitin ko~"

"Stop it Reymond. Adrian patigilin mo nga iyan." pilit na pinipigilan ni Jennica ang kanyang ngiti.

Reymond keeps on singing and Adrian just continued to strum.

"Pilitin mang ibaling at sa iba'y isalin~ Ay di malimot ang halimuyak na hatid ng hangin~ Ng una kang makita hindi makapaniwala~ Parang panaginip at langit aking nadarama~"

"May balak ba kayong sunugin ang Unit ko?!" kunwaring pagalit na wika ng dalaga.

"Nais kong malaman mong ikaw ang aking iniibig~ Sana ay dinggin mo ang tibok nitong dibdib~ Nais kong malaman mong ikaw ang nasa panaginip~ At magkalapit agwat ng ating daigdig~"

Napakagat-labi si Jennica, naiiyak siya pero masayang-masaya naman ang puso niya. Ito na ba ang tinatawag na tears of joy?

"Hinahanap ng puso ang pag-ibig mo (makinig ka sana sakin)~ Hindi ito malilimutan ng pagmamahal at ligaya na dala mo (laman ng aking damdamin)~ Kung saka sakli na kaya mo pang ibalik (sige na wag kang magalinlangan)~ Ang dating pagtingin sa puso kong nananabik pa sa iyo~"

Reymond stopped singing at lumapit kay Jennica. Lumuhod siya rito at nakayukong sinabing, "I'm so sorry for hurting your feelings. I'm so sorry baby."

Nawala, nagunaw, nag-evaporate lahat ng inis ni Jennica nang maramdaman ang sincerity sa boses ng binata. Napatingin siya kay Adrian na nakangiting nakatingin din sa kanya.

"Go on, forgive him na Ate Jennica."

"Nize?" gulat na tanong ni Jennica. Bigla-bigla kasi itong sumulpot out of nowhere.

"Patawarin mo na, nag-effort naman eh. Haha! Tsaka nadamay pa ang babe Adrian ko."

"Kinokonsensya niyo lang yata ako eh. Haha! Sige na nga, tumayo ka na riyan. Ang panget mong mag-rap." pagsisinungaling niya.

Tumayo si Reymond and surprisingly, he shed a tear.

"Hala! Hoy pinapatawad na kita! Bakit ka umiiyak?" natatarantang saad ni Jennica habang pinapahid ang luha ng binata.

"I realized something." 

"Ano iyon? Na mahal mo na ako?"

Lumapit ang binatang si Adrian sa kanyang nobyang si Lil Saint at isinandal ang kanyang ulo sa balikat ng dalaga.

"Na ayokong nagagalit ka, ayokong nagtatampo ka, ayokong binabaliwala mo ako dahil pakiramdam ko, kapag nangyayari ang mga iyon ay baka mangyari ang pinakakinatatakutan ko." 

Nagtatanong ang mga matang tiningnan ni Jennica ang binata.

"Takot akong mapagod ka sa pagmamahal mo sa akin. Takot na takot ako roon Jennica." 

Umiling si Jennica sa sinabi ng binata, "Hindi. Hindi ako mapapagod. Oo, maiinis ako. Oo, magagalit ako. Oo, magseselos ako. Oo, sasama ang loob ko pero ito ang pakatandaan mo . . . hindi ako mapapagod nang dahil lang nasasaktan ako. Hinding-hindi."

"Ang gay ko na." reklamo ni Reymond habang pinapahid ang luha sa kanyang mga mata.

"Siomai ka talaga." then she kissed him lovingly. Smack lang naman, may kasalanan pa ito sa kanya kaya wala itong karapatang umarte.

The Philosopher Stones (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon