Chapter 55

671 35 34
                                    

NAKASIMANGOT na kumakain ngayon si Reymond. Naka-confine siya sa hospital ng PS at wala ni isang tao siyang nadatnan pagkagising. May pagkain sa mini table at ngayon nga ay kinakain niya ito, "Nasaan ba ang mga tao?" itinaas niya ang kanang kamay na may nakasaksak na dextrose, "I don't even need this."

"Pwedeng pumasok?"

Napatingin si Reymond sa nagsalita, "Daisy?" 

Namamanghang nilapitan ni Daisy ang binata, wala siyang suot na maskara ngayon kaya nagtaka siya  kung paanong nakilala siya ng lalaki, "How did you know it was me?" 

Ngumiti si Reymond at sinagot ang dalaga, "I can't see the spark in your eyes."

"Spark?"

"Oo. Sa tuwing tinitingnan ako ni Jennica ay parang may kakaiba sa mga mata niya na hindi ko maipaliwanag. It's clouded with different emotions." napailing na lang si Reymond at tumingin kay Daisy, "I can't believe I'm saying these to you."

"I'm so proud of you Code Ideal." inilagay ni Daisy ang kanyang kanang kamay sa balikat ng lalaki, "And I thank you for making my twin sister very happy."

Kinuha ni Reymond ang kamay ni Daisy na nakapatong sa kanyang balikat. Dinala niya ito sa kanyang mga labi at hinalikan, "Code Priestess ako dapat ang magpasalamat sa iyo. Nang dahil sa iyo nakilala ko ang babaeng pag-aalayan ko ng buhay ko. Kung gaano ako kabigo sa iyo, ganoon naman ako kapanalo kay Jennica." 

Ginulo ng dalaga ang buhok ni Reymond, "May sasabihin pa pala ako sa iyo Reymond."

"Ano iyon? At nasaan si Jennica?"

"Iyong tungkol sa rapture. Actually may expiration iyon." 

Nalaglag ang panga ni Reymond.

"Mabuti na lang at sumakto ang expiration bago pa man sumabog ang bomba." 

Napabuntung-hininga si Reymond, "Ang ibig mong sabihin, natapos ang temporary rapture noong nasa bingit na ako ng kamatayan?" naalala pa ni Reymond ang takot na gumapang sa buong pagkatao niya nang makitang nakabalot ng wire at bomba ang kanyang katawan, "Mabuti nalang talaga at bumalik agad ang ala-ala ko." sumubo siya ng kanin at nagpatuloy sa pagsasalita, "Where's Jen?"

"Nagpapaganda."

"Para sa akin?" 

Tawa ng tawa si Daisy sa sinabi ng binata.

"What?" sinubo ni Reymong ang huling kutsara ng kanyang kanin.

"May gaganaping party mamaya kaya lang too bad, hindi ka makakapunta so si Lence na lang ang date ni—"

"Teka teka! Kakaayos nga lang namin pag-aawayin niyo na naman kami? Hindi na makatarungan iyan!"

"Haha! Sige na sige na, ipapa-discharge na kita." naiiling na pahayag ni Daisy saka umalis na ng tuluyan.

***

NAKAHARAP ngayon sa isang full-body sized mirror sina Dahlia at Hannah, "Grabe ang ganda ko." papuri ni Hannah sa kanyang sarili. Suot ang kanyang C.C. inspired outfit na tinalo pa si Anne Curtis sa haba ng slit ay nagpose siya na tila ba may dalang baril.

Natawa si Dahlia sa pinaggagagawa ni Hannah pero napatigil din siya nang tingnan siya nito ng masama. Nakangiti siyang umiling at pinasadahan ng tingin ang sarili. Wearing her Miaka Yuki's outfit, isang cute na school uniform na kulay kayumanggi at sinamahan pa ng bunny hairstyle ay mukha na nga siyang Priestess of Suzaku. 

Napalingon ang dalawang dilag nang biglang bumukas ang pinto at iniluwa nito si Lence Canley na gwapong-gwapo sa Lelouch-inspired outfit. May suot pa itong contact lens sa kaliwang mata na gaya ng kay Lelouch. "Wow ang ganda niyo." pambungad niya sa mga dalaga, "Ako ang weird ko. Haha! Ang gwapo gwapo ng suot ko tapos iyong isa kong mata parang sinapian." 

The Philosopher Stones (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon