Chapter 42

699 35 37
                                    

MATAMAN na naghintay si Oasis. Alam niya kasing darating ang dalagang si Jennica. Hinigop niya lamang ang kanyang kape at hinubad ang suot na bow tie. Nakaupo siya ngayon sa swivel chair ng Control Sub-Unit ng Hell Unit. Tinanggal niya pati ang dalawang butones ng kanyang tuxedo at sunod na tinanggal ang pagkakabutones ng kanyang undershirt. 11:55 PM na pero naghihintay pa rin siya sa dalaga.

"Oasis." 

Nilingon ng binata ang dalaga na nakasuot na ng agent attire. "Handa ka na?"

"Ni hindi mo man lang ba ako tatanungin kung okay lang ako?" 

Tiningnan ni Oasis mula ulo hanggang paa ang dalaga. "What's the use?" pinindot na niya ang red button at bumukas na ang sliding door ng Hell Unit, "Good luck." 

Walang katakot-takot na pumasok si Jennica. Ang Hell Unit ay isang lugar na puro itim. Pero may nakatapat na liwanag sa kanya kaya nakikita pa niya ang kanyang dinadaanan. Sinubukan niyang maglakad at napansin ngang sinusundan siya ng liwanag. Nilingon niya ang pintuang pinanggalingan pero wala na ito. Purong itim na lamang ang kanyang nakikita hanggang sa may biglang umilaw 5 metro ang layo mula sa kanya.

"Jen." narinig ni Jen ang boses ni Oasis, "Ang makakalaban mo ay si Fredericko. Isang Rape Assasin. Alam mo naman siguro ang ibig sabihin niyan hindi ba? Isa siyang manghahalay at mamamatay tao. Mag-iingat ka dahil nagngangagat siya, literally. Good luck." 

Saka lang napansin ni Jennica na may nakatayo pala sa tapat ng ilaw na iyon. Isang lalaking nakangisi at nakadaop ang palad. Sinusuri siya nito mula ulo hanggang paa, tila ba hinuhubaran siya nito sa isipan.

Napalunok si Jennica at huminga ng malalim. Papatanuyan ko sa iyo Reymond at sa kambal at pamilya kong makasarili na kaya kong tumayo sa sarili kong mga paa., naikwento na nga pala sa kanya ni Martin ang lahat-lahat. Kaya mas lalong umigting ang kanyang galit hindi lamang sa kambal niya kung hindi pati na rin sa mga totoo niya pa lang mga magulang.

"Hi miss." dahan-dahang lumapit si Fredericko habang kagat-kagat ang labi.

"I'm going to take you down psychopath." she charged and hit him hard on the face. Hindi agad natumba ang lalaki pero gumewang ito kaya she charged again but this time, Fredericko dodged kaya napasubsob si Jen sa sahig.

"Bakit ka umiiyak miss ganda?" 

Pinahid ni Jen ang kanyang luha na ni hindi man lang niya namalayang dumadaloy pala, "None of your business!" pinatid niya ito dahilan para mapahiga ang lalaki. Tumayo siya at sinipa ito sa mukha pero sa kasamaang palad ay nahuli nito ang kanyang paa at saka siya ibinalibag. "Argh!" she moaned nang mabagok ang kanyang ulo.

Agad na pumatong si Fredericko sa dalagang si Jennica at sinabing, "Ang sarap ng hapunan ko . . . "

"Manyak!" tinuhod niya ito sa ari nito kaya napa-aray ng matindi ang lalaki. Agad siyang tumayo pero napigilan naman siya nito. Pumatong ulit ito sa kanya at may inilabas na ineksyon na may lamang kemikal na kulay kayumanggi. "A-ano iyan?" pilit siyang nagpapapasag pero hindi siya makawala.

"Pampainit." nakangising saad ng lalaki saka itinurok sa hita ng dalaga ang ineksyon.

***

NAIIYAK si Diana habang pinapanuod ang kanyang anak na si Dahlia. Hindi na siya tumingin pa nang itinusok ng lalaki ang kemikal sa hita ng kanyang anak. Accomplice nila ang lalaki at ang bagay na itinusok sa kanyang anak ay para mapalala ang Marfan Syndrome nito. Sa loob ng limang minuto ay kakalat na ang Marfan Cells ni Jennica nang mas mabilis pa sa kanilang inaasahan.

"Diana." tawag ni Diego sa kanyang asawa, "Do your part." 

Marahan siyang tumango saka lumakad na papunta sa Unit ni Code Ideal, Sana tama ang gagawin mong desisyon iho.

***

HINDI makatulog si Reymond at kanina pa siya nag-iisip kung paano magpapaliwanag sa dalaga. Alam niyang gising pa ito ngayon pero hindi niya alam kung paano ito lalapitan. Marahil galit na galit ito sa kanya ngayon o ang mas malala pa ay kinamumuhian siya nito. Napabalikwas siya ng bangon nang may marinig siyang kumatok sa kanyang Unit. Agad niyang binuksan ang pintuan at nakita niya roon ang umiiyak na mukha ng kanyang Tita Diana, "A-ano pong nangyari?"

"S-si Jennica." 

Bumundol ang kaba sa kanyang dibdib nang marinig iyon mula sa ginang, "Nasaan po siya?"

"Sa Hell Unit." 

Hell Unit., mas lalo siyang nanghina nang malaman kung nasaan ang dalaga. Sa Hell Unit kung saan ginaganap ang Initiation Stage at ang anumang parusang maaring kaharapin ng isang Code. Walang pagdadalawang-isip na tinakbo niya ito at iniwan na lamang ang ginang na umiiyak. Damn it Jen! What are you thinking?!

Nang makarating siya sa Sub-Unit nito ay nakita niyang nandoon ang lahat ng PS 6th Generation Codes. Nakatingin silang lahat sa monitor na kung saan nandoon si Jennica, nakahiga at walang malay. Agad niya pinindot ang red button at mabilis na pumasok sa Hell Unit.

"J-jen . . . " nanginginig ang kanyang mga boses at kamay. Niyakap niya ang dalaga na nakapikit. Itinapat niya ang kanyang mga bibig sa bibig nito ngunit hindi na ito humihinga. "N-no." inihiga niya ulit ang dalaga at pinakinggan ang tibok ng puso nito, "N-no. No Jen no!" nagsimula na siyang umiyak habang pilit na pinapatibok ang puso nito. "Mahal ko huwag mo akong iiwan! Parang awa mo na!" 

Hindi niya kakayanin na mawala si Jennica sa buhay niya. Ang dalaga ang kanyang oxygen, ang kanyang araw-araw na pangangailangan.

"Jen! Ano ba? I love you! Ayan! Mahal na kita, minahal na kita kaya gumising ka na! Gagawa pa tayo ng maraming memories! Ano ba?! Jen!" iyak na lamang siya ng iyak. He keeps on pumping her heart at binibigyan niya rin ito ng hangin sa bibig.

"Anong ginawa niyo sa kanya?" buong poot niyang tanong habang yakap-yakap ang walang buhay na katawan ni Jennica, "Anong ginawa niyo sa kanya?!" basag ang ineksyon na nasa gilid ng katawan ng dalaga nang kanya itong hinawakan.

"Mabubuhay pa siya." tanging saad ni Elizabeth na ngayon ay nasa likuran na ng binata. Inabot niya rito ang dala-dalang matulis na bagay, "We activated her Marfan Cells. Dalawang minuto na lang at aabot na ito sa utak niya. Ngayon Reymond, ang bagay na ito ay isang counter chemical. Sa oras na ibigay mo ito sa kanya, mayroon tayong 70% chance na gigising siyang muli at 30% chance na tuluyan na siyang mamatay."

"Why the fuck did you activated her Marfan Cells?!" wala ng pakialam si Reymond kung sino ang kausap niya ngayon.

"She'll be dead by 20 years old if we didn't. Mas mabilis ang case ng kanyang Marfan Syndrome kaysa sa ina niya. Ngayon, kukunin mo ba o hindi?"

Nanginginig na inabot ni Reymond ang ineksyon na hawak-hawak ni Elizabeth. Mataman niyang tiningnan ang berdeng likido na nasa loob nito.

"Ngayon Code Ideal, nasa iyo na nakasalalay ang lahat. It's either you choose the worse or the worst."

Nanghihinang itinapat ng binata ang ineksyon sa puso ng babaeng minamahal habang iniisip, Choose Reymond. Choose the fuck up!

"One minute." 

Shit., itinurok niya ang ineksyon sa puso ng dalaga kasabay ng paghalik niya sa mga labi nito, I love you. I love you. Jen, huwag mo akong iiwan. Bumalik ka . . . bumalik ka., then he ended the kiss with tears falling down from his eyes.

---

If you liked this part, please do Vote.

If you have something to say, please do Comment. 

If you can't do both, please do Share.

Love lots mga bebe, SheIsLexa. :*

The Philosopher Stones (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon