Chapter 26

759 45 19
                                    

HATINGGABI na pero hindi pa rin makatulog si Jennica kaya napagpasyahan niyang pumunta sa Garden. Umupo siya sa isa sa mga benches at mahinang humikbi, "Bakit kaya ako pinaparusahan ng ganito?" panay ang singhot niya dahil sa pag-iyak.

Kanina nang umuwi siya galing sa club ay si Reymond ang unang-una niya hinanap. Lasing na lasing pa siya sa oras na iyon, sabog na sabog ang mukha dahil sa pag-iyak. When she finally saw him, akala niya yayakapin siya nito, o kahit na tanungin man lang kung anong nangyari. Sa halip ay tiningnan lamang siya nito mula ulo hanggang paa saka nilagpasan. Mabuti nalang at nandoon si Martin para saluhin siya, para ibigay sa kanya ang yakap na dapat ay si Reymond ang gumagawa.

Naiinis na siya rito pero namimiss niya ito. Wala siyang ibang kakampi sa pagsubok na ito kundi ang lalaki lamang. Una, hindi na siya maalala ng kanyang mga magulang. Pangalawa, nawawala sa kanya ang kanyang kuya Lence. At pangatlo, hindi na siya makilala ng kanyang bestfriend.

"Your only ally left you."

Napatingin si Jennica sa nagsalita, si Martin Villarino. Pinahid niya ang kanyang mga luha saka sumagot, "He never became my ally." He's a friend., dagdag niya sa isipan.

Lumapit pa ang binata saka sinabing, "May I?" pagpapatungkol niya sa upuan.

Tumango lamang si Jennica bilang tugon.

"I'm not here to comfort you." saad ni Martin habang nakatingin sa kalangitan, "I'm here to become your friend." saka nilingon niya ng dahan-dahan ang nakayukong dalaga.

"I don't need one."

Umusog ng konti si Martin palapit sa dalaga saka inakbayan ito, "We all need one. Well, in fact we need more than one friend."

Napatingin ang dalaga sa nakaakbay na braso ng binata, "Uhm . . . "

"Don't be too awkward. Friends do this. I'm your friend, right?" nakangiting saad ni Martin saka marahang tinanggal ang kanyang suot-suot na gintong maskara.

Napatitig na lamang ang dalaga habang unti-unting nirireveal ng lalaki ang gwapo nitong mukha. "Ang . . . swerte sa iyo ni Priestess no?" hindi niya mapigilang tanungin.

Ngumiti lamang ang binata bilang tugon.

Napabuntung-hininga naman si Jennica, totoo nga naman, we all need friend. We all need friends. Kaya lang, may mga oras talaga na iyong mga taong itinuturing mong kaibigan ay basta-basta ka nalang iiwan sa ere, ni wala man lang pasabi o babala na aalis na pala sila, "Bakit siya ganoon Martin? Wala naman akong ginawang masama sa kanya eh. W-wala naman talaga." naiiyak na naman siya. Shit lang. Ganito ba ako kahina? Konting bagay lang iniiyakan ko na? Bakit?! Sino ba siya sa buhay ko? Siya lang naman ang . . . ang dakilang trainer ko. Oo tama, no more no less. Marami lang talaga akong inaalala kaya nagiging iyakin na ako., napailing na lamang siya sa naisip.

Tumayo si Martin nang maramdaman niyang may tao sa likod. Alam niya kung sino ang taong ito kaya humarap siya kay Jennica at hinila ang dalaga patayo saka sinabing, "Pikit ka."

Naguguluhan man pero sinunod naman ng dalaga ang tinuran ng binata. Tears are seen at the edge of her eyes.

Sinenyasan ng binatang si Martin na lumapit ang taong kararating lang, walang iba kundi si Reymond, "Ngayon yakapin mo ako Jennica at isipin mo na ako si Reymond. Pumikit ka lang. Sabihin mo sa akin ang lahat ng gusto mong sabihin sa kanya. Kahit ano pa iyan, kahit masaktan pa ako." saka dahan-dahan siyang dumistansya para bigyan ng konting space ang dalawa.

Niyakap naman ng dalaga ang lalaking nasa harapan saka sinabing, "A-anong sasabihin ko sa iyo?" panay pa rin ang pagsinghot ni Jennica, "Miss na m-miss na kita. Tsaka shit ka talaga. R-reymond . . . please . . . come back."

Tuluyan na ngang umalis si Martin sa naturang lugar at naiwan na lamang ang magkayakap na sina Reymond at Jennica.

Mahigpit na niyakap ni Reymond ang dalaga, naamoy niya ang pabangong gamit nito, ang amoy na hindi niya nalanghap sa loob ng tatlong linggong pag-iwas, "Nakakainis mang aminin pero miss na rin pala kita . . . "

Nanglaki ang mata ng dalaga nang mabosesan ang kayakap na binata kaya agad siyang napabitaw dito at lumayo, "I-ikaw?!"

Sadyang naaliw si Reymond sa reaksyon ng dalaga kaya nginitian niya ito ng nakakaloko, "Anong sasabihin ko sayo? Miss na miss na kita. Tsaka syet ka talaga." halos magpigil siya ng tawa habang ginagaya ang ginawa ni Jennica kanina, "Reymond . . . please come back. Hahaha!" at hindi na nga niya napigil pa ang paghagalpak ng tawa.

Kulang ang salitang umuusok para ilarawan ang butas ng ilong ni Jennica, sadyang inis na inis siya sa ginawang pagtotroll sa kanya ng lalaki. "I really hate you! Jerk!" saka siya tumalikod at mabilis na tumakbo.

Agad namang napigilan ng binata ang pagtakbo ng dalaga sa pamamagitan ng paghila niya sa braso nito, "And where do you think you're going?"

"I'm going away! Away from a stupid evil jerk like you!"

Nag-smirk ang binata saka mabilis na binuhat ang dalaga na parang prinsesa, "No. You're not going anywhere. We got a lot of catching to do." saka nagsimula na siyang lumakad palabas ng Garden.

Hindi na lamang umimik ang dalaga dahil alam niyang tungkol sa training ang sinasabi ng binata. Nang makarating sila sa Training unit ay agad na nag-demand si Jennica na ibaba na siya, "Put me down jerk." mapait niyang utos.

"I said we got a lot of catching to do."

"Yeah I know so put me down so we can start training."

Reymond let out a playful smile at inilapit ang mukha sa dalaga, "No . . . I mean this . . . " saka inilapat niya ang kanyang mga labi sa napakalambot na labi ng dalaga. And before they knew it, they're kissing each other hungrily.

Yes. I'm not falling for her but one thing is for sure . . . she's my most irresistible temptation.

They then broke the kiss when they felt they need some air. Kapwa sila hiningal sa ginawang halikan.

Ibinaba na ni Reymond si Jennica then he hugged her for the last time, "I really missed you . . . my oxygen. Now let's get started." he patted her head saka siya tumungo sa lalagyan ng gloves para sa kanilang pag-eensayo. 

***

"CODE Priestess connecting to Code Techinique III. Eriz ano na ang balita?"

"I'm on 67% upon completion Priestess. The Final Stage of Project Dahlia, I believe, would commence exactly on . . . her 18th birthday."

---

If you liked this part, please do Vote.

If you have something to say, please do Comment. 

If you can't do both, please do Share.

Love lots mga bebe, SheIsLexa. :*

The Philosopher Stones (Book 1)Where stories live. Discover now