Prologue

2.5K 159 129
                                    

Akala mo noon imposible. Siya kasi ang klase ng lalaki na pinapangarap ng lahat, na perpekto sa mga mata ng nakararami. Imposibleng mapansin ka niya, imposibleng magkagusto siya sa iyo, imposibleng mahalin ka niya.

Ngunit ika nga nila, kahit ang salitang imposible ay binubuo ng salitang posible. Naging posible pala ang lahat. Naging masaya ka. Isang klase ng saya na gugustuhin mong malasap panghabang buhay.

Minahal mo siya ng tunay at ganoon din siya sa 'yo. Kaya lang... ano nga ba ang kasiguraduhan natin na magtatagal ang ligayang 'yan?

Hanggang kailan ang sayang 'to?, minsan mong naitanong sa sarili. Napangiti ka na lamang nang mapakla dahil sa isang iglap, sinagot ng tadhana ang kaisa-isa mong tanong.

Totoong masakit ang hindi ka mahalin ng taong minamahal mo ngunit mas masakit ang minahal ka nga niya pero hindi naman pala bilang totoong ikaw. Kaya lang, tanga ang puso, napakatanga. Sinaktan na nga, patuloy pa ring umaasa at nagdarasal na sana—Dumating ang araw na makita niya ang totoong ako.



—-



Hello, readers!


If you liked this part, please do Vote. If you have something to say, please do Comment. If you can't do both, please do Share.


Love, SheIsLexa

The Philosopher Stones (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon