Chapter 54

448 14 0
                                    

"DAMN it Reymond gumising ka!" sigaw ni Oasis sa kaibigan habang pinapakinggan ang tibok ng puso nito, "Hindi normal ang pagtibok ng puso niya."

"Dalhin na natin siya sa pinakamalapit na ospital!" mungkahi ni Lence.

Umiling si Hannah at nilapitan si Reymond, "Hindi na tayo aabot."

"Let's try pumping it." walang ibang maisip na pwedeng gawin si Oasis. Imibis na tumunganga sila at maghintay na mamatay ang kaibigan ay dapat gumawa sila ng paraan, "Come on dude." akmang bobombahin na niya sana ang dibdib nito kaya lang bumalik na naman ang sakit ng kaniyang ulo, "Damn it! Shit. We're running out of time!"

"A-anong nangyayari?" tanong ni Dahlia nang makita ang nangyayari sa mga Codes.

"Dahlia focus. Ugh! Fuck this shit! Kayo na magpaliwan—unnhh!" hinaing ni Christian.

"Dahlia, sa ating tatlo ni Lence, ikaw ang pinakamalakas. Ang kailangan mo lang gawin ay bombahin ang dibdib niya. Make his heartbeat normal." saad ni Hannah.

"Okay okay! I got it!" nagmamadali nga siyang lumapit sa nakahigang katawan ni Reymond. God Reymond! Please gumising ka!, pipi niyang hiling habang ginagamit ang buong lakas upang patibuking muli ang puso nito. "Reymond wake up! Wake up please!"

Tumulo ng kusa ang luha ni Dahlia nang maramdamang nagtatagumpay siya. Unti-unti na rin siyang tumigil sa kakabomba dahil unti-unti na ring dumilat ang binata, "R-reymond . . . "

Natahimik ang lahat nang makitang bumabangon ang binata, "Daisy?" 

Nagulat ang lahat nang bigla itong tumakbo papunta kay Code Priestess at yumakap.

And for the nth time around, nadurog na naman ang puso ng Destructive Angel. Ang kaninang luha ng kasiyahan niya ay napalitan ng mapait na luha ng kabiguan.

"Gago!" sinugod ni Lence si Reymond at pinagsusuntok.

"Walangya ka pare!" pati si Martin ay hindi nakapagpigil at binirahan ng suntok ang kaibigan, "Hinayaan ka na nga naming paranasin kami ng death ache tapos ito lang ang mapapala namin?! Hayop ka!" 

"Tama na!"

Tumigil nga ang dalawa nang marinig si Hannah. Lumapit ang Superior Authority sa putok ang labing si Reymond at binigyan ito ng nakabibinging sampal, "Sira ulo ka ah?! Matapos ka niyang buhayin iyan lang ang gagawin mo?!"

"Hannah kalma!" pinipigilan ni Lence ang dalaga. Natatawa siya rito dahil pinatigil lang sila para siya mismo ang sumampal.

"Hindi! Walang utang na loob ang lalaking ito eh!"

"Umuwi na tayo." 

Na-estatwa ang lahat nang marinig ang malamig na boses ni Dahlia.

Tumayo si Reymond at pinahid ang pumutok niyang labi, "Sino ka pala sa buhay ni Reymond?" 

Then it hit her. Sino nga ba siya sa buhay ng binata? "A-ako? Sino ako sa buhay mo?" tiningnan niya ito na puno ng umaagos na luha ang mga mata, "Ako lang naman ang babaeng nagmamahal sa iyo. Ang babaeng mahal na mahal ka sa kabila ng mga ginawa mo, ang babaeng . . . ang babaeng . . . "

"O ano? Bakit hindi mo matuloy-tuloy?" lumapit ang binata sa dalaga at tinitigan ito sa mga mata.

"A-ang babaeng nag . . . nag . . . "

"Ang babaeng nagtaboy sa akin kasi isa akong mabangis na hayop. Hindi ba?!" puno ng pang-aakusa ang tono ng pananalita ng binata.

Napatakip ng bibig si Dahlia nang makitang paiyak na rin ang binata. Ganito ba ang ekspresyon ng kanyang mga mata nang itinakwil ko siya?, tanong ni Dahlia sa isipan. Nakatalikod kasi siya noon kaya hindi niya nakita ang pighati na namamayani sa mga mata nito.

"Hindi ba Jennica?!"

"O-oo . . . "

"Lakasan mo!"

"Oo nga sabi eh—" nagulat na lamang siya nang bigla siyang kinabig ng binata at hinalikan.

"Ang programang ito ay rated SPG—Moncieller huwag kang tumalikod!—Striktong patnubay at gabay ng magulang ang kailangan." pagbibiro ni Edward habang nakangiti.

Agad itong dinugtungan ni Christian, "Maaaring may maseselang Tema . . . " kumindat siya kay Martin.

Napailing na lang si Martin sa kalokohan ng mga kaibigan, " . . . Lenggwahe . . . "

Bumuntung-hininga si Oasis at naisipang sakyan ang trip ni Edward, " . . . Karahasan, toot, Horror, o Droga na hindi angkop kay Moncieller." 

"Tapos na ba?"

"Nagmimake-out na!" pang-aasar ni Christian sa kaibigang si Moncieller.

Napangiti si Daisy habang nakatingin sa love birds. Masuyong hinalikan ni Reymond sa noo ang kanyang kambal matapos ng isang mainit na halik.

"Reymond naaalala mo na ako?"

"Mahal ko, hindi kita kailanman nakalimutan. Baon ka palagi ng puso ko." nakita ng binata ang pamumula ng kanyang minamahal kaya niyakap niya ito. Obviously, umiiyak na naman ito, singhot kasi ito ng singhot. Itinapat niya ang tenga nito sa kanyang dibdib at sinabing, "Hear that?"

"Y-yes . . . "

"You made that beat again baby. Literally and figuratively." they both chuckled.

"Nilalamok na ako rito." reklamo ni Moncieller.

Natawa na lamang ang lahat sa hinaing ni White Stone 

"Reymond galit ka pa ba sa akin?" inosenteng tanong ni Dahlia sa binata.

"Let's talk about that later. For the meantime, saluhin mo muna ako."

"Oh!" mabuti na lamang at naging maagap si Dahlia at nasalo ang walang malay na si Reymond.

"Parang baliktad yata?" nagkamot ng ulo Cabaron.

"Cliché kasi kapag the other way around."

"Ahh . . . " napatango na rin si Cute Stone sa sagot ni Nigel na ngayon ay buhat-buhat ang nahihimbing na si Rannieka.

Umalalay ang ibang Codes sa dalaga at sila na mismo ang nagbuhat sa kaibigan.

Nilapitan ni Daisy ang kambal at hinawakan ang mga kamay nito, "I'm happy for you Dahlia."

"I'm happy for myself too!" 

Tumawa silang dalawa at ang weird doon ay halos magkaparehong-magkapareho ang tawa nila.

"It's not yet the end right?" Daisy clinged her arms to her twin sister.

"Yeah." nakangiting sinundan ng tingin ni Dahlia ang lalaking minamahal habang buhat-buhat ng mga kaibigang may saltik yata sa utak. Hawakan lang daw ba ang dalawang paa at dalawang kamay nito? Pati naka-upo si Cabaron sa tyan ni Reymond. Napailing siya at binaling ang tingin sa kanyang kambal, "I hope so."

---

If you liked this part, please do Vote.

If you have something to say, please do Comment. 

If you can't do both, please do Share.

Love lots mga bebe, SheIsLexa. :*

The Philosopher Stones (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon