Portrait

841 50 35
                                    

"Reymond," tawag ni Jen sa nagmamanehong binata.

"Hmm?"

Napatingin muna saglit si Jennica sa backseat ng sasakyan kung saan natutulog ng mahimbing ang duguang si Lence bago ibinalik ang tingin sa nagmamanehong si Reymond. "H-hindi na ba talaga ako naaalala ng mga magulang ko?" malungkot niyang tanong dito.

"Oo, Jen, pero panandalian lang naman 'yon. Para mas mapadali ang pag-recover nila sa naranasan nilang trauma."

Natrauma sila dahil sa akin., malungkot na saad ni Jennica sa sarili. "Bakit ba kasi may gustong pahirapan ako? Wala naman akong atraso sa kahit na sino."

Napahigpit ang pagkakahawak ni Reymond sa manibela, naiinis siya sa sarili dahil hanggang ngayon ay wala pa silang ideya kung sino ang gumagawa nito sa dalaga. May naisip siya bigla dahilan para mapa-U turn siya.

Nagsalubong naman ang kilay ng dalaga sa pag-U turn ni Reymond. "Anong babalikan natin?"

Sa halip na sagutin ng binata ang tanong ng dalaga at mabilis na lamang niyang pinaharurot ang sasakyan. Mabuti na lang at medyo hindi pa sila nakakalayo. After awhile, hininto na niya ang sasakyan at mabilis na bumaba.

Sinundan lamang ng tingin ng dalaga ang binata habang umikot ito papunta sa kanya para siguro pagbuksan siya ng pinto. Anong ginagawa namin dito sa Admin building ng Woodsen?

Binuksan ng binata ang pinto ng kotse saka mabilis binuhat na parang prinsesa ang nagtatakang si Jennica.

"Ibaba mo ako! S-si kuya Lence! Kailangan na natin siyang—"

"Shut up or I'll kiss you torridly," pagbabanta niya rito.

Napakagat naman ng labi si Jennica.

Pumasok sila sa private elevator at nagkey-in si Reymond sa number pad.

Akala ni Jennica na simpleng number 3 lang ang pinindot ni Reymond dahil nga nasa 3rd floor ng Admin building ang PS Bunkhouse. Hindi na nga niya nasundan dahil mabilis pumindot si Reymond.  "P'wedeng ibaba mo na ako?"

Tanging iling lang ang sagot ng binata.

"Ano bang ginagawa natin dito?"

"I'm warning you, Jennica."

"Reymond naman, e. Wala na nga akong naiintindihan sa nangyayari sa paligid ko, dadagdagan mo pa ang mga tanong ko?" hindi mapigilang magreklamo ni Jennica.

"Malalaman mo rin naman ang lahat sa tamang oras, sa tamang panahon."

"Kailan pa? Hanggang sa mapahamak ang lahat ng taong mahalaga sa akin?!"

"I warned you but you choose not to listen." Mabilis na binaba ni Reymond ang dalaga saka itinulak sa dingding then he suddenly kissed her, scratch that, they're suddenly kissing each other.

Mabilis namang inangkla ng dalaga ang kanyang mga braso sa leeg ng binata. Hindi niya malamanlaman kung kailan pa siya natutong humalik pero feeling niya expert na expert na siya. Bakit ko ito ginagawa?

Sa totoo lang ay kanina pa gustong halikan ng binata ang dalaga, simula pa noong makita niyang naghahalikan si Lence at Jennica. Parang gusto niyang burahin ang bakas ng halik ni Lence sa labi ng dalaga. Napangiti na lamang si Reymond at hinawakan ang mukha ng dalaga, marahan niya itong pinaharap sa kanya at nakita nga niya ang pulang pula nitong mukha. Ganito rin ba kapula ang mukha ko?

Nainis naman bigla si Jennica. Nang-aasar ba siya? Bakit ganyan siya makangiti? "Bakit ka nakangisi ng ganiyan? Awkward na nga iyong tao nakuha mo pang mang-asar? Tabi nga!" Itinulak nga niya ang binata saka nagtungo sa pinto ng elevator, she keeps on banging it. "Tsk! Bakit ayaw bumukas nito?" Hanggang tumigil siya at sinandal na lamang niya ang kanyang ulo sa pintuan, "Jerk. Jerk. Jerk," naiinis na saad ng dalaga habang nakasandal pa rin ang ulo sa pinto ng elevator.

The Philosopher Stones (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon