Special Chapter: Blacke

458 18 25
                                    

HI! I am Blacke! A girl who can make all the stars in the universe kneel. Oh yes. I am Blacke Rae Dela Fuerte, the eldest daughter of Dahlia and Reymond Dela Fuerte.

"I am the eldest."

I rolled my eyes. Tinapunan ko ng unan ang kapatid kong si Graye na kung makasabat, wagas. Binigyan niya lang ako ng bored look at nagpatuloy sa paglalaro ng leggo, "I am the eldest!" sigaw ko sa kanya.

"Morning."

Nilingon ko ang nagsalita, it's my ever beautiful twin sister Wyte! I ran to her and hugged her tight! "Good morning Wyte! The future Priestess Stone of the PS 8th Generation!"

"I'm not." walang kagana-gana niyang sagot habang nagbabasa ng libro. Napataas ang kilay ko. Ngayong 10 years old na kami eh hindi pa rin nagbabago ang kapatid kong ito. Panay pa rin ang pagbabasa ng libro at wala pa ring kaemo-emosyong kausap, pareho lang sila ni Graye though minsan may naughty side naman si Graye. Kung hindi nga lang kami magkakamukha ay maiisip kong hindi ko sila kakambal. They're not makukulit like me and they have that bored look that I cannot mimic. Huhu! Isa marahil akong ampon! Isang magandang-magandang ampon! Agree?

"Good morning angels!"

I saw my mom going down the stairs. Awww. She's so beautiful! I ran towards her at ewan ko ba kung bulag lang ako o talagang haharang-harang ang upuan sa aking dinadaanan dahilan para madapa ako, "Ouch!" I sniffed. "D-daddy." I pouted nang makita ang daddy ko na dinadaluhan ako. Tinitingnan niya ang maliit na sugat na nakuha ko pero maya-maya ay nakita ko siyang ngumiti.

"Magdahan-dahan ka sa susunod, ok?"

Tumango ako at mabilis na tumayo. My body is so cool, you know. I easily heal. Gaya ngayon, unti-unting naghilom ang sugat ko. Hihi! I looked up at kita kong hinalikan ni daddy si mommy sa noo. Awww again. How can they be so sweet? Kami kaya ni Sylver paglaki namin? Magiging ganyan din ba kami kasweet? My eyes sparkled at the thought.

"Mahal ko, mauna na ako sa PS HQ. See you."

"Ok Reymond. Aasikasuhin ko na muna ang mga kakailanganin ni Wyte para sa—"

"Mom I said, I don't want it!"

Napalingon kaming lahat kay Wyte. She looked so fierce. Ayaw niya kasi talagang maging Priestess Stone ng PS 8th Generation at supposed to be ngayon ang initiation stage niya. My parents have reasons for pushing her but of course, Wyte has also her own reasons to decline. She stormed out of the living room at wala akong ibang nagawa kung hindi sundan siya ng tingin.

"I'll talk to her. Mauna ka na sa PS HQ, susunod na lang kami."

Tumango si daddy bilang tugon.

Mommy turned to me and kissed my head lovingly. Ganoon din ang ginawa niya kay Graye bago sinundan palabas si Wyte.

"Bye mga anak."

"Bye dad." sagot ni Graye.

Then I realized, maiiwan kaming dalawa ni Graye rito? I crossed my arms and tried to analyze kung anong posibleng mangyari kapag kami lang ni Graye ang maiiwan sa isang lugar. May tatlong possibilities; 1. Mauubos ang laway ko, if ever that's possible, sa pagpapaintindi ko sa kanya na ako ang matanda dahil ako ang unang lumabas, 2. Mauubos ang laway ko, 3. Mauubos ang laway ko.

"Little sister, pakiabot ng telepono. Please. Thank you."

Pabalibag na inabot ko sa kanya ang telepono, "I'm not your little sister!"

"Whateves." tanging sagot niya habang nagdadial sa telepono, "Hello. This is Graye, remember me?" he smiled naughtily, "Yes."

Yucks! Parang alam ko na kung sino ang kausap niya.

The Philosopher Stones (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon