Star of the Night

1.2K 109 121
                                    

She's pacing back and forth habang hawak-hawak ang telepono. She's pondering unto something na alam niyang mali. "Sorry Reymond, pero I have to hang up." At binaba na nga niya ito saka mabilis na tumakbo pababa. Alam niyang ito ang tamang gawin, siguro nga crush na niya ang binatang kakakilala pa lang pero hindi sapat 'yon para pabayaan niyang sumama ang loob sa kanya ng itinuring niyang kuya sa loob ng siyam na taon.

Naabutan niya ito sa kanilang garden na nag-lilipat ng mga paso. The bad thing is, topless ito kaya kitang-kita niya ang napaka-lean na likuran nito na sinamahan pa ng wet effect dahil sa pawis. Gosh! It's getting hot in here., saad niya sa sarili habang pilit na humihinga nang normal.

Si Lence naman ay masama pa rin ang loob dahil hindi pa rin siya sinusundan ng dalaga. Nafu-frustrate na siya kaya naisipan niyang puntahan ito sa itaas. Pagpihit niya paharap ay kitang-kita niya ang pulang-pulang mukha ng dalaga. Isang bagay kaagad ang pumasok sa isip niya, May sakit ba siya?, kaya mabilis siyang tumakbo papunta rito at sinalat ang noo nito. Nalaman naman niyang hindi ito mainit pero pulang-pula talaga ang mukha ng dalaga. "Ayos ka lang ba, Jen?"

Hindi agad nakasagot ang dalaga dahil masyado siyang nahi-hypnotize sa nakikita. Anim na sizzling hot pandesals ang nasa kanyang harapan. Paulit-ulit siyang lumunok dahil para bang kusang nagsasalita ang mga abs ng binata na nagsasabing, Hello, Jennica. We are not for your eyes only.

Kahit takang-taka ay pilit na binabasa ni Lence ang nasa isip ng dalaga. Saka lang niya napagtanto na nakatingin pala ito sa kanyang mga pandesal! Hindi niya maiwasang mapamura at awtomatiko rin siyang napatalikod. Pakiramdam niya siya naman ang namula. Mabilis pa sa alas kwatro na tinungo niya ang damit na naiwan sa garden at sinuot ito. Ngunit paglingon niya sa kinaroroonan ng dalaga ay wala na ito.



***



Napa-smirk na lang nang bahagya si Reymond nang babaan siya ng dalaga ng telepono. Hindi man siya dapat mag-diwang pero at least, napag-isip niya ang dalaga kung sino ang pipiliin. Dahil kung hindi nga naman apektado sa kanyang presensya ang dalaga, e di sana hindi na ito nag-aksaya pa ng oras para mag-isip kung sino ang pipiliin.

"Code Charmer connecting to Code Ideal. Respond." 

Magkasalubong ang kilay na sinagot ng binata ang kanyang earpiece, nagtataka siya kung bakit napatawag si Martin, "Code Ideal speaking."

"Reymond, kakailanganin ka sa isang misyon."

"Anong misyon? Tsaka akala ko ba si Jennica ang misyon ko ngayon?" 

Rinig niya ang pagbuntong-hininga ng kausap bago siya nito sinagot, "Walang gustong tumanggap ng misyong ito at alam kong—ano ba baby? Huwag ka nga kasing makulit. Dadahan-dahanin ko lang—ay pareng Reymond, where was I?"

Nanlaki ang mga mata ni Reymond sa narinig, Shit! Anong dadahan-dahanin?!, reklamo niya sa isipan. "A-anong ginagawa mo kay Daisy?!" he's now being hysterical.

"Ha? Anong pinagsasabi mo—oh yes baby, it's coming—o Reymond? Ano nga ulit sabi mo? At saan na nga ba ako?"

Parang pinipiga ang puso ni Reymond sa narinig. A-anong it's coming?, halos mangiyak-ngiyak niyang tanong niya sa sarili.

"Pareng Reymond—oh yes! Nakaraos din! Sige na, baby, mag-toothbrush ka na. Sa susunod kasi bumili ka ng bagong tube ng toothpaste para hindi ka nagkakasya sa halos walang laman na Sensodyne. Piga pa tuloy tayo ng piga tsaka ang kulit-kulit mo, sabi ng huwag mong galawin ang toothbrush mo. Naku! Ikaw talaga. Oy, Reymond? Kanina ka pa walang imik dyan ah? Saan na nga kasi ulit ako? Nakaka-distract ang babaeng ito, e."

The Philosopher Stones (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon