Tennis Ball

1.3K 127 133
                                    

They all sat comfortably sa kani-kanilang single couch. Wala ni isa man ang gustong magsalita, iniisip nila kung anong pabor ang hihilingin ni Code Priestess at lahat talaga sila ay damay. Hindi na rin sila nagtaka pa kung bakit parang papetiks-petiks lang si Martin. Alam kasi nila na sa kanilang lahat,  siya ang unang makakaalam sapagkat kanang kamay ito ng Priestess Stone.

Ilang sandali pa ay tumunog ang kanilang private elevator, hudyat na dumating na ang kanilang inaasahang bisita. Isang maputing dalaga na naka-simple black dress hanggang hita at may red ribbon sa gitna ng bewang, nakasuot ito ng itim na maskara na bumagay naman sa nakalugay nitong itim na buhok. Bagama't natatabunan ang mukha nito ng maskara ay hindi naman maipagkakailang sa tindig at karisma nito ay isa itong napakagandang babae, "Napagod ako ro'n!" daing ng kawawang  babae.

"Jesus, Daisy. Ano bang nasa isip mo at ang dami mong dalang Jollibee?" naiiritang saad ni Martin sa pinuno saka tumayo at kinuha ang mga dala nito.

"Hindi naman Jollibee ang dala ko kung hindi mga pagkain sa Jollibee." nakapoker face na sagot ng dalaga.

Napailing na lang ang mga lalaki sa kapilosopahan ng kanilang pinuno.

"You better eat," utos ng dalaga sa mga kalalakihan saka umupo sa isang bakanteng couch.

Itinaas ni Oasis ang supot ng plastic at sinabing, "These are junks."

"With zero nutritional benefits," pagpapatuloy naman ni Martin.

Nakahalukipkip na itinaas ng dalaga ang kanyang kilay bago ibinuka ang bibig, "Sometimes, eat germs, junks, and unhealthy foods. You only live once, better try everything than be sorry for not doing so. Iisa lang naman ang exit point ng buhay, e." Kumuha ang dalaga ng isang burger at binuksan ito, "Death. Whether you like it or not."

Walang nagawa ang mga binata kundi ang kumain. Wala talaga silang panama sa kanilang pinuno pagdating sa pakikipagtalo.

"About the group 'informal' mission. First of all, this mission involves me." Ipinikit ni Daisy ang kaniyang mga mata ng mariin. Ayaw niya kasing makita ang mga over-protective na mga mata ng kaniyang mga kaibigan.

Nakabibinging katahimikan ang namayani hanggang sa tumikhim si Oasis at nagsalita, "Continue."

"Okay, lahat kayo, maliban kay Reymond, pumunta na ngayon sa sari-sariling master's bedroom. Turn your TV on and you'll know everything. Go."

Sumunod naman ang lahat at naiwan nga sina Reymond at Daisy.

"What is it this time Daisy?" nag-aalalang tanong ni Reymond habang inaayos ang kanyang kayumangging maskara.

"Naikwento sa akin ni Martin ang nangyari sa inyo kanina ng transferee. So, what's with the tennis ball?" nakakalokong saad ni Daisy.

Pinaningkitan niya ng mata ang dalaga, "Daisy, hindi ka nagpunta rito para umaktong si Boy Abunda. Sabihin mo na—"

"You still love me, right?"

He can feel the lump in his throat but he still managed to answer, "Y-yes."Very much., pagpapatuloy ng binata sa kaniyang isipan.

"At alam mo rin na may iba na akong mahal."

Napayuko si Reymond at nagsalita, "Y-yeah. Si Martin."

"And I want you to keep on loving me."

Napaangat ulit ng tingin si Reymond at tinitigan ang mukha ng babaeng mahal. Never in his life na nakita niya ang mukha nito. That's an S.O.P for them. Hindi maaaring makita ng mga lalaking PS ang mukha ng kanilang pinuno, pero kahit na ganoon ay minahal niya pa rin ito ng buong-buo. "Why?"

The Philosopher Stones (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon