Programmed

485 14 0
                                    

Kinabukasan ay maagang gumising si Jennica, agad siyang nagtungo sa Safe Haven Unit upang tingnan kung gising na ba ang kanyang pamilya. Pero pagdating niya sa naturang Unit, e wala na ro'n ang kanyang mga magulang at ang sanggol na kapatid. Agad din namang ipinaalam sa kanya ng doktor na nakauwi na ang mga ito.

"Dok, anong nakauwi? Safe ba sila sa bahay?" nag-aalalang tanong ni Jennica.

"Yes. May 30 PSGs na naka-assign upang bantayan silang tatlo, Ms. Perez."

"Mga Private Security Guards? Hindi kaya magtaka lang sina mom at dad kung bakit maraming guards na nagkalat sa bahay?"

"PSGs for Philosopher Stones Guards, mga guards ng ahensyang ito. Huwag kang mag-alala, they blend in to the civilian's kaya hindi sila mahahalata."

"A, okay. Sige, dok. Salamat."

Ngumiti lamang ang doktor bilang tugon.

Agad namang tumakbo si Jennica papuntang kwarto ni Ideal Stone. Hindi na siya nag-abalang kumatok pa, "Rise and shine, Mr. Dela Fuerte!" sigaw niya na siya namang ikinagising ni Reymond.

"Shut the f—ront door, Jennica! I'm still sleepy!" reklamo naman ng binata.

"Reymond! Gusto kong pumasok! Gising!" pambubulabog niya rito habang hinahalughog ang closet ng binata.

"No. May training ka pa and stop messing my suits!" saad ni Reymond saka ibinaon ang mukha sa kanyang unan.

"Mamayang gabi na ako magti-train, gusto kong pumasok," matigas na pahayag ng dalaga at nang mamalayang hindi pa rin gumagalaw ang binata ay hinarap na niya ito, "Reymond, kapag hindi ka pa bumangon d'yan, sasabihin ko kay Priestess Stone na iniyakan mo—"

"Jennica! For Christ's sake. Oo na! Maliligo na po!" saad ni Reymond saka kinuha ang kanyang towel pampaligo.

"Aba't galit ka?" pabirong sigaw ni Jennica at saka bumalik sa paghahalughog sa closet ng binata.

Nilapitan ni Reymond si Jennica na sobrang busy sa paghahalughog sa kanyang closet at saka niya ito niyakap mula sa likura, "Good morning, prinsesang maagang nanggigising," maaamong saad niya rito.

Jennica's face turned into a shade of red before she replied, "G-good morning."

"Gusto mo ba talagang pumasok?"

Marahang tumango ang dalaga bilang tugon.

"Okay then, pero mamayang gabi mag-o-overtime tayo sa pagti-train. Ayos ba?"

"Okay."

Saglit na hinigpitan ng binata ang pagkakayakap niya sa dalaga bago niya ito pinakawalan. Hindi niya alam pero nakakaramdam siya ng matinding ginhawa sa tuwing nasa malapit lamang si Jennica, Siguro nga, pinadala siya sa akin ng Panginoon bilang oxygen ko., napapangiting saad niya sa sarili. "Thanks Jen, for lending your shoulders yesterday," huling pahayag niya rito saka tuluyan ng pumasok ng banyo.

Napakagat naman ng labi si Jennica. Aminin man niya o hindi, kinikilig siya sa pinaggagawa ng binata.



***



"Now, open your book to page 367."

Agad namang tumalima ang buong klase sa pahayag ng kanilang gurong si Sir Mountus.

Nabo-bored namang binuksan ni Reymond ang kanyang libro lalo na at English literature ang unang subject ng kanyang araw. Napatingin siya kay Jennica na masyadong attentive sa pakikinig kay Sir Mountus, "Why are you like that?"

The Philosopher Stones (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon