Paired

811 53 32
                                    

Nagsalubong ang kilay ni Courtship Stone, nagtataka kasi siya kung bakit napagawi sa kanilang headquarters ang former Genius Stone at hinahanap pa nito ang anak na si Daisy. "Err... Code Courtship on the line connecting to Code Priestess," saad niya sa kanyang earpiece. "Papunta riyan si Sir Diego. Hindi ko alam kung anong pakay but he looks-nice legs you got there, lady." Nadistract siya dahil may biglang dumaan na clerk ng kanilang ahensya na nakasuot ng mailking pencil skirt.

"Code Courtship, ayusin mo ang pagre-report mo."

"Oh! Sorry about that. I just can't help it. Anyway, he looks so grumpy," saad niya habang nakasunod pa rin ang tingin sa legs ng papalayong dalaga.

"Roger that and Christian?"

"Yes milady?"

"Stop fucking our employees. Jusmiyo. Nagreresign sila dahil sa iyo."

Tumawa na lamang ang binata sa sinabi ng pinuno. Well, nagre-resign lang naman sila dahil nag-eexpect sila ng mataas. Hindi ba nila alam ang salitang one-night stand?, naka-smirk niyang saad sa isip. "I am an Adam and she's an Eve. That's called nature, baby. Nature."

"Gross," sabay na saad ni Daisy mula sa kanyang earpiece at ni Oasis Patriar na napadaan lang sa kanyang harapan.

Natatawang pinutol na niya ang linya sa kanyang earpiece at tuluyan na ring pumasok ng elevator si Oasis. Tiningnan niya ulit ang kanyang prospect at sinabing, "Now, sino ang clerk na iyon?"



***



Nang matanggap ni Daisy ang balitang nandito ang kanyang ama ay agad niyang sinenyasan sina Martin at Reymond. Tumango lamang ang dalawang lalaki bilang tugon.

Nilapitan ni Martin si Jennica at inayang pumunta sa Safe Haven Unit para bisitahin ang kanyang pamilya. Agad namang pumayag ang dalaga sa imbitasyon ng binata.

Nang makaalis na ang dalawa ay agad na nilapitan ni Reymond si Daisy at sinabing, "Ano kaya ang pakay niya?"

Daisy rolled her eyes at binigyan ang binata ng hindi-pa-ba-obvious look.

Tumawa si Reymond at ginulo ang malambot na buhok ng dalaga.

"Look at you. You really look good together."

Napalingon sina Reymond at Daisy sa nagsalita na walang iba kundi si former Code Genius, Diego Montes. Lumapit sa kanilang kinaroroonan ang ginoo at sabay silang nagbigay-galang. Agad naman silang nagtungo sa opisina ng Priestess Stone at doon ay nagsimulang mag-usap.

"So Reymond, how are you? Nililigawan mo na ba itong dalaga ko?" magiliw na saad ng ginoo.

"Sir, saka na lang siguro. Total, wala naman siyang kawala sa akin eh. Diba love?" sagot ng binata saka inakbayan ang dalaga. Yes, this is his only advantage. Boto sa kanya ang ama at ina ng dalaga.

Daisy just showed a fake sweet smile and softly cursed under her mind. Tutol ang kanyang mga magulang sa relasyon nila ni Martin and that, for her, is an agony. Naawa na rin siya minsan kay Reymond dahil palagi nalang siya nitong pinagtatakpan sa pamamagitan ng pagpapanggap na nagkakamabutihan na sila.

"What a happy couple you are. Anyway, I came here to clarify things." Mula sa pagiging magiliw ay nag-iba ang emosyon ng ginoo, naging stern at seryoso ito. "I'm sorry Reymond but I am asking you to breach the contract."

Alam ni Reymond kung anong kontrata ang ibig-sabihin ng ginoo, iyon ay ang kontrata ng pagiging Code Technique IV ni Jennica. Mabigat na bumuntong-hininga siya at sinabing, "Hindi po iyan maaari."

The Philosopher Stones (Book 1)Where stories live. Discover now