Chapter 46

676 31 35
                                    

DAHLIA crossed her legs at matamang nakikinig sa kanyang ama pero palagi talaga siyang nadidistract. Hindi niya mapigilang maalala ang nangyari kagabi kaya tuloy palagi niyang nararamdaman na umiinit ang pisngi.

"Dahlia? Are you even listening?"

Ipinilig ni Dahlia ang kanyang ulo at sinagot si Elizabeth, "Yes tita."

"Okay." pagpapatuloy naman ng kanyang amang si Diego, may pinindot ito sa hawak na remote at lumabas ang imahe ng babaeng si Andrea Borres.

"Dahlia makinig ka ng mabuti." pagpapaalala ni Elizabeth.

Napatingin si Dahlia sa buong PS 6th Generation, sa totoo lang ay may konting galit siya sa mga ito pero nang malaman niya ang totoong agenda nila ay hindi na rin niya magawang kamuhian ang mga taong pinag-eksperimentuhan siya. Knowing that she can help other people is an enough incentive for her suffering. Huminto ang kanyang mga mata kay Code Courtship, Serafin Dela Fuerte. Kahit nakamaskara kasi ay hindi maipagkakailang kuhang-kuha ni Reymond ang mga mata nito, That bastard., she remarked bago ibinalik ang tingin sa kanyang ama.

"Andrea Borres, ang prospect ni Oasis Patriar." panimula ni Diego Montes, "Personal Background, siya ang bunsong kapatid ng pamilyang Borres. Dadalawa lang naman sila ng ate niya at wala na silang mga magulang. Ang kanilang business line ay sa kanya ipapamana dahil wala sa tamang katinuan ang kanyang nakatatandang kapatid. Nangyari ito simula noong—Dahlia, anak hindi ka na naman nakikinig." napabuga ng hangin si Diego sa inaasta ng anak.

Nakatulala na naman si Dahlia sa kawalan. Iniisip niya kasi ang nangyari kaninang umaga. Nagising siyang may suot na damit at si Reymond ay natutulog habang nakasandal sa upuan. Naging instinct niya ang pagkuha sa bubog na nabitawan kagabi at itinapat ito sa binata.

Ngunit . . . sadyang may topak lang siguro siya sa ulo at hindi niya naituloy ang pagpatay dito. Kasi aminin man niya o hindi, mas matindi pa rin ang pagmamahal niya rito kaysa sa pagkamuhi. Oo, kinamumuhian niya ang lalaki, unang-una ay dahil sa pagpapaasa nito sa kanya at pangalawa ay ang pagtago nito ng sekretong may kambal pala siya.

"Dahlia!"

Napaigtad si Dahlia mula sa kinauupuan at napatingin sa nanlilisik na mga mata ng kanyang ama, "Dad . . . s-sorry." 

"They're here." biglaang sabat ni Logan Cabaron. May hawak siyang parang tablet at iniharap ang screen sa mga kasamahan. Kita rito ang mga maliliit na tuldok. Gumagalaw ito papunta sa isang direksyon.

Biglang bumukas ang pinto at iniluwa nito si Daisy Montes, nasa kanyang likuran ang kanyang mga nasasakupan, "Pinaglaruan niyo kami." nanlilisik ang mga matang nakatingin ang dalaga sa ginang na si Elizabeth Patriar.

"Daisy ginagawa namin ang bagay na ito para sa inyo. Well maybe, not exactly for you because you and Martin are safe?" 

Saglit na sinulyapan ni Daisy ang kanyang ama at tama nga ang hinala niya, galit na galit itong nakatitig sa kanya dahil narinig na naman nito ang pangalan ni Martin.

Si Reymond naman ay panay ang tingin sa tanging taong hindi nakasuot ng maskara sa Conference Unit. Kanina pa niya hinuhuli ang tingin nito pero parang ayaw talaga siyang tapunan ng tingin ng dalagang si Jennica.

Muling ibinalik ni Daisy ang tingin sa Code Priestess ng 6th Generation, "Can't you see tita? We are doing our very bests to convert her to Code Technique IV tapos malalaman na lang namin isang araw na may ginawa kayong ganito? Ano nga ulit iyong ginawa niyo sa kanya? Ginawa niyo siyang Destructive Angel. Tita, muntik na kaming mawalan ng isang Code dahil sa ginawa niyo. Hindi ako makapaniwala na nagawa niyo kaming paglihiman."

"Daisy dear . . . para sa inyo pa rin naman ang ginawa namin. At isa pa, Dahlia's skills and good fortune is a good counter attack for 'The Risk'. Odds are always on her favor, naiintindihan mo ba ako?"

The Philosopher Stones (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon