Chapter 35

755 39 29
                                    

MABILIS na tumakbo si Reymond papasok ng ospital ngunit nabigla siya nang may humawak sa kanyang mga braso. Nang tingnan niya kung sino ito ay napakunot ang kanyang noo, "Who are you?" tanong niya sa babaeng pumigil sa kanya.

"I'm Andrea Borres, you can call me Ann or Andy or Mrs. Patriar!." masiglang tugon ni Andrea kay Reymond Dela Fuerte.

"Oh . . . " napatango si Reymond at naalala niyang naikwento na siya noon ng kanyang nobya bilang admirer umano ni Oasis, " . . . okay, nasaan si Jennica?"

"Nasa loob. Sabihan daw kita na pumasok siya. Nasaan si Oasis?"

"Uh . . . " bahagyang napalingon ang binata sa Silver na Ferrari at itinuro ito, " . . . nandoon! Sige kailangan ko pa siyang puntahan." agad na pumasok sa loob si Reymond at pumunta sa clinic ng mga neurologist kung saan naka-assign ang ama ni Jennica.

"Ah teka—" pagpipigil sana ni Andrea sa binata pero mabilis itong nakatakbo. "Hmmnn . . . " napalingon siya sa kotseng itinuro ni Reymond at mabilis itong tinakbo.

Nang makita ni Oasis na papalapit sa kanya ang dalaga ay agad niyang minaneho paatras ang kotse, magbabacking sana siya kaya lang humarang sa kanyang daanan ang babae, Damn it., bumusina siya bilang sinyales na pinapaalis niya ito.

Nakacrossed-arms na tumayo lang si Andrea sa daanan, wala siyang pakialam kung nakatingin sa kanya lahat ng tao, "Bumaba ka rito!" kailangan niya kasing sabihin dito na may dalang kung ano si Jennica, hindi na niya nasabi kay Reymond dahil mabilis itong nawala sa kanyang paningin.

Walang kaemo-emosyong bumaba ng kotse si Genius Stone, "What?" 

Napangiti si Andrea, naisip niya kasi na kahit kailan ay napakagwapo ni Oasis, kahit ano pa ang facial expression nito. Lumapit siya rito at ngumiti, "Hello Oasis ko! Eh kasi ganito iyon, may dalang pulang bagay si Jennica, nakalagay ito sa isang maliit na bote. Akala ko nga love potion, hihingi sana ako para mapa-ibig ka." 

Tiningnan lamang ng binatang si Oasis ang dalaga saka nilagpasan. Alam niyang sinusundan siya nito at wala siyang pakialam doon. Naiinis din siya sa mga babae na kung makatingin sa kanya ay para siyang hinuhubaran. Napabuntung-hininga siya at tiningnan ang babaeng nasa kanyang likuran, "Lumapit ka Ms. Borres." 

Napakagat-labi si Andrea, hindi niya alam kung ano ang mas nakakakilig, ang sabihan siya ng 'lumapit ka' o ang tinawag siya sa apelyido nitong 'Ms. Borres'? Marahan nga siyang lumapit sa binata at sinabing, "Yes Oasis?"

"Gusto mo ako diba?" nakapoker face na saad ni Oasis

"Hala!" napatakip si Andrea sa kanyang bibig, "Alam mo?"

Napaface-palm na lamang ang binata, "Halika nga rito." saka pasimpleng inakbayan ang dalaga.

Kyaahh! Pwede na akong mamatay! Ay huwag na lang pala! Magkaka-baby pa kami, magkakaapo, magkakaapo sa tuhod, magkaka—oo na Andrea. Awat na. Haha!, hindi niya mawari ang kanyang damdamin, kung wala si Oasis wagas siya kung makalandi pero ngayong nasa malapit na parang hindi niya alam kung paano ipahayag ang kanyang nararamdaman.

Ayan. May pakinabang ka naman pala., Oasis let out a satisfying smirk nang mapansin niyang napaiwas na ng tingin ang ibang babae.

***

"ANAK?" hindi makapaniwalang saad ng doktor na si Rendell Perez nang makita ang kanyang anak na nakaupo sa isa sa mga upuan ng kanyang klinika.

"D-dad . . . " patakbong nilapitan ni Jennica ang ama at mahigpit itong niyakap, " . . . dad! I missed you!"

"Baby I missed you too." humiwalay ang doktor sa pagkakayakap at hinawakan ang mukha ng anak, "Kumusta ka na? Ayos ka na ba? Miss na miss ka na ng mommy at kapatid mo." niyakap niya ulit ito at binigyan ng halik sa noo.

The Philosopher Stones (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon