Chapter 11.8

265K 4.1K 466
                                    


Umakyat ako sa kwarto ko at binalewala ang pinagsasabi ng kapatid ko.

Hindi ko na malayan sa gitna nang pagbabasa ko ay nakatulog ako.

Isang malakas na kanta ang nakapagbulabog at nakagising sa akin.

"Hello"

(Papunta na ako.)

"Ang aga pa eh. Mamaya maya na." tamad at husky kong sambit

(Past 12 na Kane. Ano ka ba?)

"Tao." Parang t*nga naman nitong tanong ni Mico.

(Bumangon ka na kung ayaw mong ako ang magpabangon pa sa'yo. Papunta na ako dyan.)

Minulat ko ang mga mata ko at tamad na tiningnan ang oras sa cellphone ko. Sht. Past 12 na nga!

Pero @^$#^@$ nabitawan ko ang cellphone ko kaya bumagsak sa bibig ko. Mabuti at di ako nabungal. Leche naman oh.

Dali dali kong inayos ang sarili ko.

Nagsuklay, naglagay ng BB, nagbihis at lahat na ng pakulo ko sa sarili ko tuwing aalis ako ay ginawa ko na.

"Ate! Nandyan na si kuya Mico!"

"Teka! Baba na!"

Bumaba ako. Wala na siguro akong nakalimutan. Sana. Toothbrush, check. Damit, check. Abubot, check. Cellphone, wallet, check. Suklay, check.

Ayos na siguro ang mga ito.

"Tara na?" pagyayaya ni Mico. Tumango naman ako.

Nauna na ako at binuksan ang passenger's seat pero may nakaupo nanaman dito.

"Ay sorry Kane, di ko alam."

Parehas lang naman ang shotgun at backseat. Walang kaso na sa akin ang maupo sa likod.

"Ayy hindi Kane, dito ka na sa harap. Kaya lang naman ako naupo dito kasi wala pang tao kanina. Mico told me that you want it here sa front seat."

See? Nagpaubaya siya. But I'm good sa likod pero dahil nag offer na siya ay nagpasalamat nalang ako.

We fetch Reynaldo na rin. Then patungo na kami ksla Karen.

Cassandra, Marco (Mico's friend), Shane ay nakela Kane na raw for some reasons.

Oo, of course Shane will be invited. She's Mico's childhood friend and Kane's na rin siguro.

"Hi Kaney, hi Kane. Ajeje."

"Hi Rey!" masayang bati ni Kane dito.

Ngumiti nalang ako kay Reynaldo.

Mabuti nga at hindi Kane1 at Kane2 ang naisip niyang iatawag sa amin eh.

Itong sleepover na ito ay parang tanggal stress na rin sa mga nakalipas na linggo. Tsaka ayun nga, bonding.

Pagdating namin ay distributions na ng rooms. Me, Karen and Shane ay sa Yellow room. Yung guest room nila ay colored, pati nga mismo pinto ay nakakulay base sa kulay ng room.

Kane and Cass ay sa room ni Kane.

Mico, Marco and Rey ay sa Blue room.

Dumiretso agad kami ni Karen sa kwartong tutulugan namin para makapag-ayos.

By chance mandun din si Shane nakahilata, ahh tulog siguro?

Naunang bumaba si Karen, tutulong dahil siya naman ang pinakasanay magluto sa amin. Mga isang minuto ang nakalipas ay susunod na rin sana ako pero biglang nagsalita itong si Shane.

"Kane, Kane, isn't it confusing?"

"Stop btching Shane."

"I am not. Nagtatanong lang. Boto pa naman ako sa'yo."

"I am flattered. Pero hindi eleksyon ito na mananalo ang mas maraming boto."

"Well, correct. Dahil ang mananalo ay kung sinong mas mahalaga. Kung sinong mas bagay. Kung sino ang mas sa LAHAT ng bagay. Hindi ibig sabihin na boto ako sa'yo lamang ka na. Right? Be observant so you'll know when to fight, when to quit and when to be confident. Payong kaibigan."

People nowaday are hard to get. Gusto nilang twisted ang utak ko sa mga pinagsasabi nila.

Lahat nalang dinadaan sa logic. Ang hirap iunlock ng codes. Badtrip.

Lumabas na siya.

Lalabas na sana ako ulit pero pumasok naman si Cassandra at nilock ang pinto.

"Kane, have you ever thought na kailangan din nila ng quality time sa isa't-isa?"

Well di na niya kailangan mag name drop dahil alam ko naman kung sino ang tinutukoy niya sa 'nila'.

"What if they really love each other but just clouded of the thought na naaawa sila sa iyo? Na ayaw ka nilang masaktan kaya pinili nalang nilang maging kung ano sila ngayon? Kane what if... Ikaw talaga ang sagabal? Kasi sa totoo lang kung nakikita mo, Mico is really happy beside her. Hindi lang nila maiexpress ang nararamdaman nila because of you. Sorry for this, I am sorry for letting my mind speak without thinking twice."

Lumabas siya bigla na parang nagsisisi sa mga sinabi niya.

Ang daming pahiwatig, ang daming sinasabi di naman kinaklaro. Nakakabwisit lang.

Wala na naman kasing issue bakit kailangan pang binabalik balik? Nakakairita.

Nakakasawa.

Bumaba ako na iritable.

"Kane, tulungan mo naman ako sa pagbitbit nito oh." salubong sa akin ni Karen na may bitbit ng mga junk foods at popcorns.

Kinuha ko ang kalahati sa mga bitbit niya. Dumiretsi kami sa theater room kuno.

May malaking flat screen TV dun, wala na akong panahon para sukatin kung ilang inches dahil hindi naman ako walking ruler at wala rin akong dala nun.

Basta makanuod nang malinaw ay ayos na sa akin, wala na akong pake sa laki.

Isa pa, awkward naman na sukatin ko pa yun, magmumukha akong t*nga sa harap nila.

May jelly beans na hugis na mga upuan at isang malaking curve na sofa.

Nasa green na jelly bean si Rey at si Marco sa black. Si Mico at Kane ay magkatabi sa sofa at nasa gilid nila si Shane at Cass.

Nilapag namin ang mga pagkain sa lamesang nasa gitna ng mga upuan.

Umupo ako sa red na jelly bean katabi ni Reynaldo. Mico offered me to sit beside him, I refused. Nagrason nalang ako na gusto ko ang pwesti ko dito at mas kumportable.

"Anong magandang panuorin?" tanong ni Marco

"Father Jejemon!" suhestyon ni Reynaldo.

"A Walk to Remember Kaya?" ani ni Cass

Sa dalawang yun, malamang kay Cass sasang-ayon ang lahat.

Hindi ko maiwasang mapasulyap kay Kane at Mico.

Share sila sa iisang popcorn. Tumatawa si Mico dahil may inaaction si Kane habang puno ang bibig nito.

Pinapatahan ni Mico si Kane habang umiiyak ito at siya naman ay tawa ng tawa sa naging reaksyon nito.

Nakita ko kung anong asta nila sa isa't-isa sa buong duration ng movie, kung paano nila daluhan ang isa't-isa. Minsan nga nag-aasaran pa sila.

Hindi ko alam kung selos, insecurity, pagiging guilty sa bagay na di ko alam kung anuman yun o ano ba itong nararamdaman ko,

Basta para bang she's too good compare to me. She's better with him. She's best when they're together.

Ako nga ata ang panggulo.

"Ate! Masaya siya sa'yo, ang tanong, sa'yo lang ba?"

Hindi yun ang tanong eh, ang tanong kanino siya MAS masaya.

Paano kung tama si Cass, ako ang nagsisilbing barrier sa pagitan nila.

Wala akong kalaban, hindi si Cassandra o si Kane. Ang puso at utak ko ang tanging naglalaban sa desisyong gagawin ko.

She's Rich, He's RicherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon