Chapter 14.2

225K 4.6K 590
                                    

 Male readers: I need an OP for Mico, you may PM me :) Thank you.

-------------------------------------------------------

Lilingon nga ba o tatakbo?

Para namang pagtumakbo ako hindi niya ako maabutan. Asa naman. Ang bilis ni Mico nga diba sabi sa commercial ng Bonakid? Hihi. Si Mico ang gwapong may laban. Laban para sa puso ko hihi ulit.

Naalala ko nung nasa bahay kami nila Kane Lee, yung pinapatahan niya (Mico) siya(Kane Lee). Yung lahat lahat ng mga nangyari nung mga oras na yun. Kaya naisip ko mag-inarte rin kaya ako? Wala namang nakakakilala sa akin dito sa mall eh. Wala naman sila pake sa akin. 

Mwahahha two can play that game Mico. Gusto mo ng inaartehan ka ha? 

"Uwaaaaah!" malakas kong iyak habang nakapikit sabay yakap kay Kier. "Kier, waaaaaah. Huhuhu. 'Wag mo muna akong ibigay sa kanya. Sinaktan niya ako ay ang puso ko. Ahuhuhu." 

Natutunan ko ito sa America tuwing nakakasali at nakaka audition ako sa mga plays. Atsaka kasi kung lumingon ako baka malusaw nanaman ang puso ko sa mga titig niya palang.

I rested my head sa dibdib ni Kier at pinagpatuloy ko ang pag-arte ko at ang iyak marathon ko. Minulat ko ang isang mata ko at nakitang maraming taong napapatingin sa direksyon namin. Yung iba naman napapanganga. Yung iba tuloy sa paglalakad pero namimilipit ang leeg kakalingon sa amin.

Malamang hiyang hiya na si Mico hahaha. 

"Kane, ano bang ginagawa mo?" Bulong ni Kier. "Sumakay ka nalang." Mahina at mariin kong tugon.

"Kier, huhuhuhu. Ilayo mo muna ako sa kanya." Humagulgol na rin ako ng iyak. "Kier, dito ka lang muna sa tabi ko. Ang lungkot lungkot ng puso ko."

"What the f--k?" Daing at mura ni Mico mula sa likod ko. Is he confuse? Fuming mad? Naiirita ba siya? O nahihiya na dahil sa pinagtitinginan na kami?

"Sayang ang gwapo pa naman pero mukhang sinaktan niya yung babae." 

"Gwapo rin naman yung kayakap nung babae. Pwede ng pamalit. Hindi na rin lugi. Kung dun na ba naman siya sasaya diba?"

"Ano bang nangyayari? Kawawa naman si girl. Hindi niya na siguro nacontrol yung emosyon niya nung nakita niya si gut."

"Swerte naman. Ang gagwapo ng nabingwit. Inggit me. Di bale ng nasaktan ako, babalikan ko yan."

"Gwapo rin kaya ng isa. Kung ako magmomove on ako kasama yung isang guy." 

Iba't-iba ang mga kumento ng mga tao sa paligid. Yung iba hindi ko na narinig kasi nga sa sobrang daming bulung bulungan.

"Naku atey. Mag choosy ka na agad between sa dalawang fafas. Tapos akiney nalang yung isa. Ang fufugi. Kyaaaah. Ganders mo atii 'wag na mag-inartiii. Kalurky ditey. Supah hotness overload ang mga fafas."

Kinikilig na sabi ng beki na napadaan. Ambisyosyang froglet. Tse! 

Sari sari pang reaksyon ang mga naririnig ko pero patuloy lang ako sa paghagulgol. Malamang bwis*t na bwis*t na si Mico. Unti-unti akong lumingon para tingnan ang reaksyon niya. Napansin kong papalapit na siya lalo kaya binalik ko ang mukha ko sa may dibdib ni Kier.

"Uwaaaaaah. Tama na please. Huhuhu. I need space huhuhu." 

"Tigilan mo na nga ang pag-arte Kane. Tss."

"Uwaaah. Huhuhuh. Kier. Huhuhu." Parang adik naman itong si Kier hindi manlang ang sinusuportahan.

Bigla nalang may humablot sa kamay ko kaya napalingon na ako sa taong humablot sa akin. Na walang iba kundi si Mico. Ambang hihilahin niya na sana ako palayo ngunit nahawakan ni Kier ang kabila kong kamay.

"Let her go." Mariin at matapang na saad ni Mico.

"Why not let her go? Ex ka nalang diba?" Ouch! Aray naman sa part ni Mico. 

I'm aware that we're already creating a scene at oo na kasalanan ko na. Artistahin kasi ako. 

Ambang susugod na sana si Mico ngunit mabilis kong hinarang ang sarili ko. Sayang ang mga mukha nila kung masisira lang kaya I decided na tapusin na muna ang pag-iinarte ko. Mamaya nalang ulit. 

"Mico! Tama na nga! Sige Kier. Sorry sa abala. Ayos lang ako." binitaw ko na ang kamay ko mula sa pagkakahawak ni Kier at nagpahila na kay Mico.

"Hi Kaney." Masayang bati ni Reynaldo at kumaway pa ng mapadaan kami sa kanya. Hi hi ka dyan. Ang ingay ingay mo kaya, kaya ako nakita ni Mico for sure.

"Nasa greenwich si Karen, sunduin mo at sabihing magkasama na kami ni Kane. Sabay na lang kayong umuwi. Bahala kayo sa buhay niyo." 

"Aye aye Mico! Ajejeje." 

Aish. Nagmake faces nalang ako sa likod niya. Kahit kailan talaga diktador. Hindi nagbabago.

Nakarating kami sa labas ng mall malapit sa pilahan ng taxi.

"Sakay." 

Umikot ako at binuksan ang pinto ng taxing malapit sa amin at sumakay. Namaywang siya at tumingala tsaka huminga ng malalim na para bang nauubos na ang pasensya niya. Sumunod at sumakay naman ako ah?

"Hindi diyan. Sa kotse." Gigil na gigil at inis na inis niyang sabi habang tinuturo ang sasakyan niya.

"Ahhh haha. Dun ba? Klaruhin mo kasi. Leche. Sayang effort. Pasensya na manong ha. Kulang kulang kasi itong kasama ko." Tumango nalang si manong at ngumiti. Nasindak din ata sa aura ni Mico loves.

Lumabas ako at pumunta sa sasakyan niya.

"Hindi mo ba ako pagbubuksan?" Kumunod ang noo at kilay niya tsaka huminga ng malalim at binuksan ang pinto ng sasakyan.

Habang umaandar ang sasakyan tahimik lang kami. 

"What kiss are you talking about earlier?" 

May ideyang pumasok sa utak ko kaya napangiti ako.

"Ano bang pake mo? You're just my ex." Like what he said to me a year or years ago.

She's Rich, He's RicherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon