Chapter 5.2

349K 4.8K 324
                                    

Mabuti nalang at naimbento ang camera, nakukuha at napepreserve pa nito ang mga alaalang maaaring hindi na mauulit pa kailanman. 

Napangiti ako ng makita ang larawan kung saan nandun ako at si Mico, masayang masaya habang nasa isang roller coaster ride. 

Meron ding kumakain kami ng cotton candy. Unti-unting tumutulo ang luha ko. Hindi pa nga talaga ako nakakapag move-on. 

Isinara ko na ang photo album at nilagay sa isang box, kasama nito ang iba't-ibang bagay na naibigay sa akin ni Mico. Simula sa keychains, maliit na teddy bear, kwintas, at kung anu-ano pang mga bagay na lubos na nakakapagpaalala sa kanya. 

Pinahid ko ang luha ko. Wala na rin namang magagawa ang mga ito. Hindi na nito mababalik kung anong meron kami dati. 

Yea, truth hurts. 

Tiningnan ko ang orasan, mahuhuli na ako at kailangan ko ng makaalis kung ayaw kong mahuli sa klase. Quota na ako sa prof ko kahit mabait yun. 

"Manong, tayo na po at mahuhuli na ako."

"Nakung bata ka, wala ka pa ring pinagbago. Dala mo ba ang ID mo?" 

Yumuko ako. ID? Sa tatlong taon kong nasa college ni isang beses hindi ko nakalimutang dalhin yan. Wala na kasing magpapagawa ng benteng ID para sa akin ngayon.  

"Ay oo nga pala, late ka man lagi tulad noong highschool ka pero hindi mo nakakalimutang dalhin ang ID mo ngayon. Pasensya na nakasanayan ko na kasi iyon iha. Haha"

Nasaan na kaya siya ngayon? Kamusta na siya? Iniisip niya rin kaya ako gaya ng pag-iisip ko sa kanya? Nah, masyadong mahaba ang tatlong taon. Nakamove-on na siguro yun. 

Buti pa siya kung sakali. 

May fifteen minutes pa bago magsimula ang klase ko, mabuti at hindi traffic ngayon. 

Tumambay muna ako sa canteen. Malamang mamaya maya ay nandito na rin si Karen. 

Sino nga ba si Karen? Nakilala ko siya noong unang taon ko palang dito sa kolehiyo. Siya yung nakaagawan ko sa pwesto sa jeep. Bilang pagbawi, nilakad ko kay mommy ang scholarship niya. Muntik na kasi siyang magdrop out dahil sa financial problem. 

Naging isang mabuting kaibigan siya sa akin. Tuwing nalulungkot ako siya ang nagpapasaya sa akin. Si Chiara naman na isa sa naging malapit kong kaibigan ay sa ibang school nag-aaral.

She's been my highschool friend pero hindi na kami ganoong nagcocommunicate. 


"Mukhang malalim ang iniisip natin ah?"

"Oy Karen, anong gusto mong kainin? Libre na kita."

"Wala, busog ako. Mayaman ata kami ngayon, nakabili ng pandesal si inay." 

Yan ang gusto ko sa kanya. Simpleng pamumuhay, simpleng kaibigan pero totoo. 

"Aba ayos ah. Pero baka nagutom ka, alam mo na, Math ang unang subject mo hahaha." 

Simula ng hinila ko ang buhok niya at nakipag-agawan sa pwesto sa jeep noong highschool, magaan na talaga ang loob ko sa kanya. Para bang tadhana na ang maging magkaibigan kami. 

"Kaya nga, nakakainis yung schedule ko, buti pagtapos nun ay may 30 minutes akong bakante. Pumunta ka na sa klase mo baka mahuli ka. Wag mo nalang akong alalahanin. Mamaya nalang tayo ulit magkita."

"Sige mauuna na ako. Byeee."

I'm still the old cheerful Kane, pero hindi ngayong araw. Pagkatapos kong magsenti kanina sa mga pictures, wala akong energy ngayon. 

"Ouch!" / "Aray!"  sabay na daing namin ng babaeng nakabanggan ko. 

Sa sobrang busy ko sa pakikipagtitigan sa lupa hindi ko napansing may nakabangga ako. Isa pa itong t*tanga t*nga rin, parehas lang kami. Kasi kung nakaiwas siya hindi sana kami magkakabanggaan. Gayunpaman may kasalanan pa rin ako. 

"Sorry miss. Ayos ka lang ba?" tanong ko rito. 

Tinulungan ko na rin siyang damputin ang nakakalat niyang gamit. Make-up powder, lip gloss, notebook, cute na ballpen, at pamilyar na lalake sa picture. P-parang si Mico.

Tinitingnan ko palang ito ng mabuti pero hinablot na niya. 

"Yah. I'm okay. Thanks." 

May kausap pala siya sa cellphone kaya hindi rin niya talaga ako siguro napansin. Busy na busy rin siya sa pagbabalik ng mga gamit sa bag niya. 

"Sige, mauuna na ako."

"Yah. I'm sorry rin pala. I'm not looking din kasi. Sorry talaga."

Tumango nalang ako at ngumiti. 

Konting hakbang palang pero hindi ko sinasadyang marinig ang pakikipag-usap niya sa taong nasa kabilang linya. 

"Sorry Mico, I bumped into someone... Yah, I'm okay... Sure, see you later... Hoy mister Ensomo, don't be late okay?... Okay bye."

I froze the moment that I've heard the last three words. 

"I love you."

Hindi, hindi. Ang Mico niya at Mico ko ay magkaiba. Oh shatap Kane, sinong niloko mo? Wala ka ng Mico. Matagal mo ng pinagtabuyan.

Hindi mo rin ba narinig ang sinabi niya, Ensomo. Mico Ensomo.

Oo maraming Mico, maraming may apelyidong Ensomo. Pero pag pinagsama na yan, hindi malabong ang taong kausap niya at ang taong iniisip ko ay iisa. Oh sure posibleng may 2 o tatlong Mico Ensomo, pero anong palusot ko sa sarili ko ang gagawin para makubinsing hindi nga yun siya lalo na at may picture pa akong nakita. 

Oh gahd please no. It can't be. 

Sino ulit ang niloko ko? Of course it can be. 

Maganda ang babaeng nakasalubong ko, makinis, halatang elegante. Hindi malabong... Aish ano ba itong iniisip ko. 

The moment I let him free ay parang pinamigay ko na rin siya. Pero would it be bad if I still fight for him?

Will everything be worth the risk?

She's Rich, He's RicherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon